“Huwag na ho kayong mag-abala pa tiyo, ako na lamang po ang kukuha ng mga gamit namin sa bahay. Kayo naman po ay maaari na pong umuwi sa inyong hotel. Okay lang po kami dito ni tatay kaya ko na po dito, tsaka tatawag na lamang po ako sayo kapag may problema po kami or kailangan po namin ng tulong mo.” Nakangiting pagtutol niya sa nais nito. Kahit anong mangyari hinding hindi siya papahayag na sasama siya dito mas nanaiisin pa niyang manatili na lamang dito sa piling ng kanyang tatay kaysa sumama dito. “Aba eh bakit naman anak kung mas magpapadali ang pagtungo mo sa bahay at hindi ka na mahihirapan sa pagdadala ng mga gagamitin natin, kasi may sasakyan ang tiyo mo. Bakit naman ayaw mong sumama sa kanya? Kahapon ka pa anak ganyan? Nahihiya ka ba sa tiyo mo? Aba eh, wag kang mahiya sa ka

