Parang nabigyan ulit ako ng panibagong chance sa buhay! Pakiramdam ko ay parang nakasakay ako sa time machine pabalik sa nakaraan na hindi ko akalaing mababalikan ko pa! Yung tsansa na makakamtan mo pa ang “Happy Ending” na pinapangarap mo! Hihingi ako ng tawad kay Lorcan kung sakaling hindi pa niya alam ang tunay na nangyari sa akin. Pero ang lakas ng pakiramdam ko na siya ang tumulong sa akin. Siya ang nagligtas ng buhay ko. Proof ay ang kanan kong mata. Ang green apple kong mata na trinansplant sa akin kasabay ng bone marrow, kidney at liver. Tuwing natingin ako sa salamin ay nakikita ko na parang nakatitig din sa akin si Lorcan dahil kakulay na kakulay ng mata niya ang nagligtas sa aking sa tuluyang pagkabulag. Anonymous daw ang donor ko pero ang lakas ng pak

