“May the Lord Guide you in this journey and bless you with strength and courage,” basbas sa akin ni Elyon bago ako pumunta sa pila pasakay ng eroplano na sasakyan ko papuntang Britain. “Thank you Father Elyon,” pasasalamat ko sa kanya at kumaway ako sa mga kaibigan ko na nasa likod ng pari kong kaibigang bago tumakbo papunta sa pila. This is it. The Final Confrontation. Teka, parang makikipag-away ako ah. Scratch that. Make it... The Final Closure... Better! Nakasakay na ako economic class ng eroplano unlike the last time na sa business class ako. Medyo mas maingay dito at siksikan pero wapakels ako. I’m on a mission and I will power through everything. Isang maong, dalawang t-shirt, isang pares ng sneakers at black hoody lang ang get-up ko kaya maliit

