INNOCENTLY DANGEROUS 2

874 Words
"Hey!" Bati ko kay Kei. "Hi, G!" Kinindatan ko lang ito. Kinuha ko na ang bullet proof vest at sinuot na ito. Sinenyasan ko naman ang isang sundalo na bigyan sila Kei at Van ng bullet proof vest. "Captain Chua." Napalingon naman ako sa aking likuran. Nakangising sinalubong ko ng yakap ang aking kaibigan. Si Dra. Savannah Coloner. "Sabay-sabay na tayong uuwi. Si Nix, hihintayin na lang daw tayo," aniya ni Van na inaayos ang suot na vest. "Yeah, na miss ko na rin ang bansa natin," natatawang saad ko rito. "Let's go!" Sigaw ni Kei na nauna na itong naglakad sa sasakyan. Huminga muna ako ng malalim at taimtim muna nagdasal. Hindi ko alam kung ano ang mangyari sa amin. Sana makabalik kami ng buhay. Sana walang kahit sino man sa amin ang mapapahamak. "Ingat ka, Grace," mahinang saad ni Van. "Kayo rin." Malayo-layo din ang lugar na pupuntahan namin. Bandang bundok na ito. At tamang-tama na winter na dito sa Germany. Medyo tagos sa aming kasuotan ang lamig ng panahon. "Captain Chua, we're only here. We can't get the car into the forest anymore," aniya ng tauhan ko. "Okay. Prepare our things!" Maawtoridad na utos ko sa kanila. Sinenyasan ko naman sila Kei at Van na sa akin na sila sumama. "We will divide into three groups! Be alert around you. Good luck!" Sigaw ko sa kanila. "Go! Go! Go!" Ang huhulihin namin ay mga against sa Government. Dead or alive, iyan ang utos ng General. Nasa likuran ko naman si Savannah at Kei. " Dito lang muna kayo," utos ko sa dalawa. Sinenyasan ko naman ang dalawang sundo na i-cover ako. Narinig na namin ang palitan ng putukan. "Alpha 2, stay put!" saad ko na hawak-hawak ang radyo. "Echo. Look for the sniper around!" diin na saad ko rito. Sinenyasan ko naman ang ibang sundalo na huwag muna sila magpapaputok. Damn! We're trapped! Pinaghahandaan na nila ang pagdating namin. Gumapang naman ako papunta sa puwesto ni Van na ginagamot na ang ibang tauhan ko na natamaan. "Umatras muna kayo, G! Marami na ang sugatan sa mga tauhan mo. Marami silang patibong at mga bomba ang tinatanim nila!" Sigaw ni Kei na hindi makaundagaga sa pag-asikaso ng mga sundalong sugatan. Napahilamos naman ako sa aking mukha. Napatigil naman kaming lahat dahil sa malakas na pagsabog. "s**t! Dammit!" mahina naman ako napamura dahil sa sunod-sunod na pagsabog. "Go! Go!" Napatingin naman ako sa mga bagong dating na sugatan. Ang isang tauhan ko na durog ang dalawang paa. God! Agad naman ako tumulong para maihiga ito ng maayos. "Grace, iatras mo muna, habang may tauhan ka pang natitira!" galit na saad sa akin ni Van. Agad ko naman kinuha ang telephone na dala-dala ng isang sundalo. Tinawagan ko na si General. "Sir, we back off!" Hindi ko ilalagay sa peligro ang buhay ng ibang sundalo! "Back off! Back off!" Nagsisigaw na saad ko sa radyo. Sinenyasan ko si Van na papasok ako sa loob ng gubat para ma-check ang ibang tauhan ko. Hindi ako aalis kung hindi ko mabitbit paalis silang lahat. Yes, dead or alive! Sama-sama kaming pumunta rito, sama-sama rin kaming aalis lahat! Kahit umatras na ang ibang tauhan ko, patuloy pa rin kami pinaulanan ng bala. "Go! Go!" Sigaw ko sa mga tauhan ko. Gumaganti rin ako ng pagbaril habang umaatras ang mga sundalo ko. Sinenyasan ko rin ng sniper na bantayan muna ang paligid habang unti-unti palabas sa gubat ang ibang kasamahan namin. "Captain!" Sigaw ng sniper na sumenyas ito na okay na. Tumango naman ako at sinenyasan ko na sumunod ito sa mga kasamahan niya na umalis na dito. Bwesit! Hindi namin napaghandaan ito. Bihasa sa pagbaril ang mga kalaban. Ang iba ay mga dating sundalo ito, kaya hindi nakapagtataka na magagaling at sharp shooter ang mga ito. Gumanti muna ako ng putok bago ako dali-daling lumabas sa kagubatan. Malapit na ako sa b****a ng bigla na namang sumabog ng pagkalakas. Parang bigla akong nabingi. "Captain!!" Tinatawag ako pero pakiramdam ko ang layo ng boses. "G!!" "Captain!!" Nagdidilim ang paningin ko. Nahihirapan akong huminga. "Grace!!" Pinikit ko muna ang mga mata ko at iminulat ulit. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan. "Captain Chua!" "Grace, damn you! Lumaban ka! Huwag ka pumikit!" Van? Tinatawag ako ni Van. Nanghihina na ako. Parang gusto ko na ipikit ang aking mga mata. Parang antok na antok ako. "G! Please!" Boses na naman ni Kei ang naririnig ko. Ramdam ko ang pagpump nila sa aking dibdib. Hirap na hirap na ako sumagap ng hangin. Parang mapuputol na ang paghinga ko. Parang katapusan ko na! "V-V-Va-nn.." hirap na sambit ko sa pangalan ng kaibigan ko. Naimulat ko pa ang aking mga mata pero malabo na ang aking paningin. Panay ang punas ni Van sa aking ulo. Nababanaag ko ang dugo sa hawak-hawak niyang puting tuwalya. "No! Grace, please! Pupunta na tayo sa hospital! Kapit lang! "Marami na ang nawawalang dugo kay Captain!" Aniya ng isang lalaki na inaangat pataas ang ulo ko. "Grace, remember, uuwi pa tayo sa Pilipinas! Please, kapit ka lang!" Sumilay naman sa aking mga labi ang ngiti ko. Katapusan ko na ba? Mamamatay na ba ako? Pinikit ko na ang aking mga mata at tuluyan na nilamon ako ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD