Chapter 8 [ Home Coming]
SA BAHAY NI ALEXA...
"Damn it! Kaya hindi ko pina-alam na ngayon ang dating namin ng kapatid mo para masurprise ka. Aba! ako pala ang masu-surprise. Sabi nang ayaw kong nakikipagkita ka sa babaeng yon! My gosh Rafael, pinagbigyan na kita ng one year, isn't it enough?!"
Sigaw ni Alexa kay Rafael nang malamang kakahatid lang nito kay Jessy galing silang simbahan at airport.
"Mom, tatlo naman kaming magkasama kanina and hinatid lang namin sa airport yung friend namin pauwi na sya ng Cebu. C'mon, what's one year compared sa eight years na pinatapon mo 'ko sa States? Besides, magkaibigan lang kami. What's the fuss? Mom, I'm matured enough to do whatever I want to do."
"Yes, you're right, matured ka ng gumawa ng kalokohan. Paano kung mabuntis mo yun?'
"Huh? The heck Mom! Jessy is not that kind of girl. And what do you think of me? You know me better than that!"
" Yeah, I know you, very well. Kaya nga nagkakaganito ako sa iyo. Hindi naman sya ang inaalala ko, kundi ikaw! See? kung paano mo i-defend yang babaeng yan."
"So, wala ka ng tiwala sa akin?"
"Wala na! Just prove to me that you are worthy of my trust. Kung ayaw mong paghirapan ng dugo at pawis mo ang tuition at baon mo. By the way pati yung kotse mo, at lahat ng meron ka dahil sa akin.
"What do you mean, Mom?"
"I want you to let go of that lady, or else young man. H'wag mo akong subukan."
"Fine! Then my car, and all that you gave me, I will give it back to you, it's all yours, just let me live this freakin' life!"
"You! Rafael! You disrespect your mother now? dahil lang dyan sa squatter na yan!"
Hindi na sya pinansin ng anak. Dumiretso na ito sa kwarto. Nagulat si Alexa dahil ito ang unang pagkakataon na sinagot sya ng kanyang ulirang anak.
First time lang din na nagalit ng ganun si Rafael. Dali-dali sumunod at nag iimpake na nga ng gamit. Mukhang lalayas nga talaga!
"C'mon Rafael, don't tell me, maglalayas ka talaga? Saan ka pupunta? Sa mga tiyahin mo? Hindi ka nila kukunsintihin. And you can't live with nothing."
"I have rich friends. I can stay there till I find a job. Pag naka-ipon na ako, itatanan ko si Jessy!"
"That's the most ridiculous and craziest thing I've ever heard!"
Napabuntong hininga na lang si Alexa. She finally gave in. Ayaw nyang iwan sya ng kanyang anak.
"Please, don't do this anak. I'm sorry."
"Please Rafael..." Sumingit naman si Charity. Kanina pa pala ito nakikinig sa kanila at tahimik lang. "Please don't go. One year din tayong hindi nagkita then aalis ka at iiwan mo ako?"
Natigilan si Rafael. Masyado nga syang pabigla-bigla. Nakalma rin sya dahil ngayon lang naki-usap ang nanay nya ng ganun pati na rin sa paki-usap ng kanyang kapatid na ngayon nya lang uli makakasama.
"Don't worry Mom, we're just friends. She doesn't even like me courting her at may nanliligaw na sa kanya, more handsome, super rich, and the most popular in school. Wala akong pag-asa, she really likes him."
"Then forget her."
"I can't Mom. Masaya na ako kahit magkaibigan lang kami, so please don't take that happiness from me."
" Yan ang kinakatakot ko sa iyo, to love someone who doesn't love you. You will get hurt. You deserve someone better. "
"Don't worry Mom, I'm more than willing to get hurt."
"Son, you're just eighteen, for goodness' sake! You're soo handsome, I bet, far way better than anyone in your school kaya marami ka pang makikilala na--"
"Stop it, Mom!" Napabuntong-hininga na lang si Rafael. "Fine Mom. Iiwasan ko na sya. I won't come to her house anymore, won't text her, and will stop this bullshit best friends that we have. But please, don't stop me from loving her."
Masaya na sana si Alexa sa narinig, hindi lang nya kinatuwa ang huling sinabi nito.
"Fine! Ayaw ko ng makipagtalo. Lilipas din yan. I hope it will be real soon."
Lumabas na ng kwarto si Alexa at sinara ang pinto ng padabog.
Nahiga na lang si Rafael sa kama nya, inabot ang cellphone at tinawagan si Jessy.
["Bhe?"] Sabi nya sa malungkot na tono.
["O bakit, Bhe? May problema ba?"]
"[Nothing. I just]-" Pinatay na ni Rafael ang linya.
["I miss you, Bhe and I love you...]" He just sighed for the nth time.
" [Rafael, ano nangyari? Nasaan ka ba?] " Biglang napatawag si Jessy dahil sa pag-aalala.
["Sorry Bhe, naputol yung linya, napindot ko accidentally."]
"[Ah ok. May problema ka ba?"]
"[Wala naman. Don't worry, I just... Miss you."]
Bigla na lang pinutol ulit ni Rafael ang linya at in-off na ang cellphone.
"Why don't you tell Ate Jessy that you love her?"
Si Charity iyon. Nagulat si Rafael sa kanya. Kanina pa pala sya nasa kwarto at nakikinig.
"I did. And she doesn't love me back."
"Pathetic. That's a lie. She's so stupid-dopey-dolt para 'di mainlove sa'yo."
"She is not stupid. Sadyang si Luis lang ang gusto nya. "
Humiga rin si Charity sa tabi ng kuya at niyakap ito." I can be your 'Bhe' if you like. Best friend."
" Baby yun, or Babe, ganon."
" Yeah, I know, we all know. Si Ate Jess lang ang hindi."
"Hays, samahan mo na nga lang ako."
Bumangon si Rafael at hinila ang kapatid.
"Where?"
"Sa bahay nila."
*********
Sobrang saya nila Jessy at Charity nang muli silang magkita. Kabaligtaran naman ni Rafael. Sobrang lungkot naman nito dahil pinagbabawalan na sya makipag kita kay Jessy.
"Hindi na kita masusundo, mahahatid. Hindi na pwedeng-" gusto ng lumuha ni Rafael.
"Ok. Ok. Na gets ko na. Si tita Alexa kasi. Ok lang Rael."
"It's not ok Jess!" Pasigaw na sabi ni Rafael." Ok lang sa iyo palibhasa, may iba ng maghahatid-sundo sa'yo at kasamang mag lunch. You don't care about me, anymore." Tinutukoy nya si Luis.
"That's not true, alam mo yan. So, ano gagawin natin? Anong gusto mong mangyari? Nakaka inis ka, you think masaya ako na 'di na kita makakasama?"
Nakalma na rin si Rafael, 'di dapat sya nagagalit.
"I really don't know. Siguro palipasin muna natin until Mom wouldn't mind it at all."
"Huh? Tingin mo your Mom wouldn't mind it? eh eight years na nga yun hanggang ngayon--"
"Basta 'wag na 'wag mong sasagutin si Luis! "
Yun na lang ang nasabi ni Rafael at umuwi na.
Sinalubong naman sya ni Alexa ng naka simangot. Nakita kasi syang galing sa bahay ni Jessy.
"Are you happy now?" Ang sabi lang ni Rafael sa kanyang nanay at dumiretso na sa kanyang kwarto.
Parang may kumurot sa puso ni Alexa bilang isang ina. Masyado na ba syang nagiging hard sa kanyang anak?
*********
Nagfocus na lang si Rafael sa pag advance study. Hindi rin nya masyadong pinapansin ang ina. Hindi naman sinasadyang hindi na maging sweet pero wala na talaga syang gana sa buhay.
Lalo na nang makita nya mula sa kanyang veranda ang kotse ni Luis na nakaparada sa tapat ng bahay nila Jessy.
"Dang it. Wala dun si Tatay Dylan, baka papasukin ni Jessy yung mokong na yun. "
Aalis na sana siya nang nakaharap nya ang kanyang nanay, nakatingin din pala sa munting bahay nila Jessy sa ibaba.
"Whatta flirt! yan ba ang gusto mong babae? kung sinu-sinong lalaki ang kasama. "
"Yes Mom, sya ang gusto ko. She's a flirt. But she turns my world upside down. I'm so jealous of that guy na kasama nya ngayon, and it frustrates me a lot to see them together pero wala akong magawa dahil sa pakialamera kong ina! Are you satisfied now?"
"You're nuts!" Hinila ni Alexa ang braso ng anak upang pigilan ito. "Son. Don't be stupid, can't you see, hindi ikaw ang gusto nya, that guy-- Look at him, if I were Jessy, hindi ko rin papakawalan yan."
Natahimik si Rafael. Masakit ang katotohanang kanyang narinig.
"Have I brought you back to your senses?"
"Yes Mom, you're right, I'm stupid." Nahiga na lang si Rafael sa kanyang kama. He just want to have peace of mind and of heart.
Bago lumabas si Alexa ng kwarto... "Son, stop calling him 'tatay' he's not your father. Give respect to your Dad."
Tinutukoy nito ang pagtawag nya kay Dylan kanina ng 'tatay'.
Hay... lahat na lang talaga pinakialaman ng kanyang nanay.