Napapikit si detective Freda ng itutok sa kanyang ulo ang sarili niyang baril na hawak ngayon ni Angelica. " Bilib din ako sa tapang mo detective Freda at nagawa mong bitawan ang iyong baril kahit alam mong malalagay ka sa alanganin, pero sa kagustuhan mo marahil na iligtas si Monica ay hindi ka nagdalawang isip,bravo... bravo at dahil diyan ay bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay pero sa isang kondisyon " mahabang pahayag ni angelica.Minabuti naman ng detective na huwag munang magsalita at hinintay ang iba pang sasabihin nito. Samantala ay labis nang pinanghihinaan si Monica ng mga sandaling iyon at kung siya lamang ang masusunod ay gusto na nitong matapos na ang lahat at isipin na panaginip lamang ang lahat ng iyon. " Angelica please tama na sumuko Kana lamang at pangako tutulungan k

