Gumuhit sa kalangitan ang isang nakakasilaw na kidlat na sinundan pa ng isa ring napakalakas at nakabibinging kulog,at sa sobrang lakas nito ay bigla pang naihinto ni inspector Calvin Pascual ang minamaneho niyang sasakyan at sa tindi ng impact nito ay sumubsob sila kapwa sa harapan ng kotse kaalinsabay naman ng pagbagsak ng isang poste ng kuryente na siyang tinamaan pala ng kidlat malapit lamang sa kanilang hinintuang dako.Napaantanda pa si inspector Pascual ng makita ang poste na tatama at babagsak sana sa kanila kung hindi niya ito na i-preno kaagad. " whew muntik na tayo doon " magkahalong hiya at takot na nasambit ni inspector Pascual. " isa lang ang ibig nitong ipahiwatig sa atin inspector,hindi pa natin oras, marahil ay may mahalaga pa tayong misyon na dapat gawin " medyo nakang

