Hindi maubos ubos ang mga luhang nangalalaglag sa magang maga ng mata ni Angelica dahil sa walang tigil nitong pag iyak.Hindi niya sukat akalain ang kanyang matutuklasan buhat mismo sa kanyang papa.Inilihim sa kanya ito ng kanyang papa ng matagal na panahon sa kagustuhan niyang siya ay protektahan.Halos hindi niya mapaniwalaan na tomboy ang kanyang ina na mayroon itong kinahuhumalingang babae na nag ngangalang Elizabeth at ang lalong masaklap ay mas ginusto pa niyang kitlin ang kanyang buhay kaysa siya ay alagaan.Hindi rin niya lubos maisip na hindi si Leandro ang nakapatay kay Ruben kundi sa sarili niya mismong mga kamay. Nasa gayon siyang pagi isip ng may biglang pumasok sa loob ng banyo at buhat sa reflection ng salamin ay nakilala niya ang taong iyon na walang iba kundi si secret admi

