Tatlong araw ang matuling lumipas. Ang nangyaring panggagapang ng baklang si Ella kay Ynno ay nalaman din ni Jhe. Sabi nga walang lihim ang hindi nabubunyag lalo na kung maraming tsismosa ang hindi mapanatag. Labis ang pag-aalala ni Jhe kay Ynno dahil muntik na itong mapagsamantalahan ng haliparot na baklang iyun.
May isang malapit na kaibigan si Jhe na kaibigan ng kaibigan ni Leo. Nandoon ito ng maganap ang pananamanatala ni Ella habang natutulog noon si Ynno. Ito ang nakapagsabi kay Jhe. Alam ni Clarisse na magkarelasyon sina Ynno ay Jhe. At hindi siya tutol para sa relasyon ng dalawa. Open minded siya sa usapin ng l***q+.
Nang malaman iyun ni Jhe ay agad niyang tinawagan ang kaniyang nobyo habang break time siya sa kaniyang trabaho. Unang tawag niya kay Ynno ay walang sumagot sa mobile phone nito. Hindi siya mapakali kaya muli niyang inidial ang kaniyang hawak na phone. Dalawang beses itong tumunog bago ito sumagot.
"Yes, asawa ko," bungad ito ni Ynno habang busy siyang nagta-type sa kaniyang laptop.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin, asawa ko?" matamlay at may halong pagtatampo ang boses ni Jhe. Tiningnan niya sa screen ng kaniyang phone ang mukhi ni Ynno.
"Ang alin asawa ko," balik-tanong agad ni Ynno. Patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa sa harap ng kaniyang laptop.
"Iyung tungkol kay Ella? Totoo bang muntik ka na niyang gapangin, asawa ko? Sabi kasi ni Clarisse ng pumasok daw sa kuwarto ang kaibigan mong si Leo naabutan daw nitong pinagsaamantalahan ka ng Ella na iyun habang natutulog dahil lasing ka?" paninigurong tanong ni Jhe.
"Huwag kang mag-alala asawa ko. Hindi natuloy e. Oo, mabuti nga at dumating ang bro Leo ko . Ang ipinagtataka ko lang ang bilis kong malasing dalawang lagok ko palang sa alak na iniaabot sa akin ni Ella nalasing na agad ako. Parang may something e. Hindi naman ako agad-agad nalalasing ng gabing iyun lamang," mahabang paliwanag ni Ynno. Saglit siyang huminto sa pagta-type sa laptop. Tinugon niya ang mga titig ni Jhe sa pagitan ng screen ng kanilang mga gadget. Nagtama ang kanilang mga mata.
"Sa susunod magsabi ka asawa ko. Huwag kang maglilihim sa akin lalo na kung kaligtasan mo ang nakasalalay dito," may pangambang sabi ni Jhe na halatang sersoyo ang mukha.
"Sorry na. Hindi na mauulit asawa. Ayaw ko kasi na mag-alala ka pa kaya hindi ko na binanggit sa `yo," suyo ni Ynno kay Jhe.
"Ewan sa `yo," si Jhe na nagtatampo.
"Sorry na asawa ko. Bati na tayo," muling suyo ni Ynno na may paglalambing.
Hindi naman sumagot si Jhe. Nagtatampo pa rin siya kay Ynno. Pansamantala niyang itinigil ang pagkainT ng lunch ng oras na iyun.
"Promise asawa ko, mag-ingat na ako sa Ella na iyun. Itatatak ko na sa isip ko na masama siyang tao.
si Ynno muli habang sinusuyo pa rin niya si Jhe.
Nanatili namang walang kibo si Jhe. Hindi nagsasalita. Nakatitig ito sa kaniya.
"Hoy, asawa may dumi ka sa kaliwang pisngi mo! Mukhang kanin yata iyan," puna ni Ynno sabay turo nito sa mukha niya.
"Saan? Anong dumi asawa? nag-aalalang tanong ni Jhe. Nagbabakasakaling baka nga may dumi siya sa mukha. Kinapa niya ang kaniyang mukha. Hinanap niya iyun sa pamamagitan ng kanang kamay niya.
"It's a Prank asawa ko," biro sa kaniya ni Ynno. Sabay tawa ng malakas na nasa kabilang linya ng phone.
"Nakakainis ka!" singhal sa kaniya ni Jhe.
"Jowk lang. Pinapatawa lang kita, asawa ko," si Ynno na sumilay sa kaniyang mga labi ang matamis nitong ngiti.
"Nakakaasar ka asawa ko," si Jhe na nagawa na nitong ngumiti.
"Maiba ako asawa, kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Ynno.
"Oo asawa, actually kumakain ako ng tumawag ako sa 'yo. Inalam ko lamang iyun nangyari sa 'yo noong isang araw kaya tinawagan kita," si Jhe.
"Huwag mo akong alalahanin asawa ko. Okay lang ako," pagmamalaki ni Ynno sabay ngiti.
"Ikaw, anong pinagkakaabalahan mo ngayon asawa ko?" tanong ni Jhe sa nobyo niyang si Ynno.
"Nag-revise ako ng mga tula ko asawa, mamaya na kasi ang deadline nito. Kailangan kong maihabol. Sayang din kasi iyung magiging price para sa mga mananalo," si Ynno.
"Galingan ko asawa ko. Alam kong kayang-kaya mo iyan," puri ni Jhe.
"Oo asawa. Gagalingan ko para sa 'yo. Ikaw ang inspirasyon ko sa akinag mga panulat. Ikaw ang
nagbibigay sa aking ng lakas ng loob para ako'y magpatuloy sa aking pagsusulat," sabi ni Ynno.
"I love you," malambing ang pagkakasabi na iyun ni Jhe na halatang seryoso.
"I love you too, mwuuaahhh!" tugon ni Ynno. Ginawaran niya ng flying kiss si Jhe. Sinalo iyun ni Jhe sa pamamagitan ng kamay nito. Masaya siya ng malaman niyang okay ang kondisyon ni Ynno.
Ipinagpapasalamat niya ito dahil hindi natuloy ang maitim na balak na iyun ni Ella sa kaniyang nobyo. Dahil kung nagkataon, naku sisiguruhin niyang mata lang ng Ella na iyun ang walang latay.
Okay na sina Ynno at Jhe. Bati na sila. Nawala na ang tampo niya para kay Ynno. Si Ynno ang tipo ng lalaki na hindi mo magagawang pagtaniman ng galit. Dahil bukod sa mabait ito ay maaakit ka sa maamo nitong mukha. Mahahalina ka kapag ito'y iyung titinitigan. Mapanukso ang mga mata nito na tila nang-aakit. Na kapag napako ka sa mga mata nito ay hindi ka na makakatangi. Ito ang nakapukaw ng pansin kay Ella ng minsang makilala niya ito sa mismong kaarawan ni Leo. Katulad ni Ynno ang tipo ng lalaking pinapantasya ng baklang si Ella. Na bukod sa hot ito sa kama ay tiyak na sulit ang gabi kapag nakaulayaw buong magdamag. Pero sorry siya hindi niya nasolo ang katawan ng gumapong manunulat na si Ynno.
Hindi nagtagal ay pansamantalang pinutol na nina Ynno at Jhe ang kanilang usapan. Kailangan muna niyang magbalik sa trabaho. Naging panatag na ang kalooban ni Jhe para kay Ynno. Masaya na ulit ang kaniyang araw dahil muli niyang nakausap ang lalaking nagbibigay sa kaniya ng panibagong pag-asa sa araw-araw lalo na kung lagi niya itong nakakausap. Wala nang mahihiling pa si Jhe. Dahil dumating na ang lalaking pinakamamahal niya. Iyun ay sa katauhan ni Ynno.
Kasalukuyan noong nasa sala si Ynno. Matapos ang pag-uusap nilang iyun ni Jhe. Wala siyang kasama sa kanilang bahay. Ang kaniyang pinsan at ang asawa nito ay nasa kani-kanilang trabaho. Ang nag-iisa naman anak nitong lalaki ay lagi ding wala. Madalas lumabas kasama ang girl friend nito. Kaya solo lamang siya sa bahay kapag araw. Gumagawa siya ng kaniyang entry na tula. Isang malaking Writing Contest ang kaniyang sisalihan. Kaya kailangan niyang busisiing mabuti ang kaniyang mga piyesang ipapasa. Madami na rin ang kaniyang mga sinalihan na patimpalak sa larangan ng literatura. Ito na ang kaniyang kinahiligan. Ang magsulat. Simula noong manalo siya sa Writing Contest ng kanilang paaralan. Magmula noon ay niyakap na ni Ynno ang pagsusulat ng tula ng siya mismo ang makasungkit ng unang gantimpala. Para kay Ynno ay malaking bagay ang maiambag niya sa nakararami ang kaniyang mga tulang isinusulat. Maliliit man ang kinataan dito at kung minsa ay wala pa, para sa binata ay hindi iyun importante sa kaniya. Masaya na siya kung nakapagbibigay siya ng inspirasyon ang kaniyang mga tulain sa masugid niyang mambabasa. Nakakataba ng puso. Iyun ang palaging sinasaabi niya kapag nagsusulat siya at marami ang nagbabasa nito. Dito mas lalong naglalagblab ang bawat panulat ni Ynno. Mas lalong nagpupumiglas ang musa ng kaniyang obra-maesta. Dito siya nagsimula dito din siya magtatapos. Nasa dugo na talaga niya ang pagiging makata. At kailan man ay hinding-hindi niya iyun tatalikdan. Anuman ang mangyari, patuloy at patuloy na maglalagay ang tinta ng kaniyang pluma.
Dahil naniniwala siyang "Ang pagsusulat ay paglaya mula sa mundong pinagpala."
Na ang lahat ng talino niya sa pagsusulat ay tanging Diyos ang nagbigay nito sa kaniya. Kung wala sa kaniya ang Diyos wala din sana sa kaniya ang pagiging makata. Diyos ang nagkaloob nito sa kaniya kaya sa Diyos din lang niya ito isusuko. Para sa kaniya ay isa siya sa mga natatanging pinagpala dahil pambihira sa isang tao kung nananalaytay ang dugong makata.