ACE'S P.O.V Nagmamadali kaming nagtungo sa boutique bago pa man ito magsara. Inabot na ako ng hapon dahil sa bagal ng byahe. Kahit wala akong maalala tungkol sa kanya, but I do it for my future baka sakali ngang totoo ang sinabi ni Xenon. Kaagad naming pinarada ang kotse sa harap ng boutique nang marating namin ito. Habang nasa byahe ay isa-isang denetalye ni Xenon ang tungkol kay Lauren. Pati na rin ang status niya sa trabaho. Naalala ko ang kanyang mukha kapag sakaling makita ko siyang muli. Nang makapasok kami ay agad kong sinuyod ang paligid at inisa-isa ng tingnan ang mga sales lady. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita ang babaeng umiiyak noon sa Park. "Sir, ano po ang hanap niyo?" tanong ng sales lady. "A-Ah... Miss RR boutique ba itong napasukan ko?" nalilito kong tano

