LAUREN'S P.O.V TILA isang surpresa para sa akin ang biglaang paglitaw niya sa araw ng aking kasal. Gusto kong magdiwang dahil tapos na ang aming sumpaan ni Ace sa altar. Muli ay gusto kong itanong sa sarili na wala na ba talagang paraan na maging masaya ako? Sa tuwing may kasiyahan ay mayroong kaakibat na pangyayari. Sa hindi ko inaasahang magaganap ang lahat ay mas lalo akong nagulat na makita siya. Katulad ng panaginip ko ay ganoon rin ang kanyang kasuotan. Tila isang pangitain iyon na nagpapaalala sa akin na mag-ingat. Napayakap ako ng mahigpit kay Ace dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin. Papalapit siya sa kinaroroonan namin. Hindi ko mawari kung ano ang kanyang pakay. Ang kanyang kasuotan ay nagpapahiwatig ng isang kalungkutan o nagluluk

