Makalipas ang dalawang oras na pag-aasikaso nanim sa lahat ng bisita ay niyaya ako ni Ace na puntahan sina Daddy na abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kamag-anak. Kahit gabi na ay nakikisaya pa rin ang lahat na kaibigan at mga kamag-anak namin. Kung sa bagay ay minsan lamang ito mangyayari sa buhay ng tao at iyon ay nilulubos na nila habang naririto pa na magkasama. At si Atlas naman ay nasa mga kamay ng ina ni Ace. Halos ayaw na nila itong bitawan gayong nais nila itong makasama. Mabuti na lang at marunong silang umaliw dito dahil minsan ay naghahanap sa akin ang bata. Kampanti naman ako dahil nariyan naman si Daddy na makaalalay sa kanya kapag wala ako. "Dad excuse me," tawag ni Ace sa aking ama. Napalingon naman ang aking ama sa amin. Ang dating seryoso niyang mukha ay m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


