ACE'S P.O.V ISANG linggo na ang makalipas ay naisipang muli ni Ace na bumalik sa Pilipinas. Balak niyang tagalan ang pagbakasyon para magkaroon siya ng time kay Lauren. Ngayon mas kailangan niyang ipakita sa dalaga na sensero siya sa kanyang panliligaw. Handa na rin siyang harapin kahit galit pa ito sa kanya. "Sigurado ka bang hindi magpapasama sa akin?" tanong ni Xenon sa kabilang linya. Mag-isa lang akong babalik doon para hindi na ako makakaabala ng iba. Alam ko namang maraming trabahong gagawin si Xenon. "Hindi na Xen, kaya ko naman. Saka marami kang nakabinbin na trabaho," tugon ko dito. "Ay sus, ayos lang iyon. Tayo naman ang boss, anytime pwede naman nating balikan." "Huwag na. Ako na bahala sa sarili ko. Maghohotel na lang ako para mas convenient para sa akin." "Ikaw ang b

