LAUREN'S P.O.V HANGGANG sa paglabas namin ni Zia sa trabaho ay gulong-gulo ang isip ko. Dama ko na rin ang mumunting kirot sa puso ngunit hindi muna ako magpapadaig sa bugso ng damdamin. "So, ano ang pag-uusapan natin? Kanina pa kita napapansin at ayan namumutla ka na!" ani Zia na mataman akong tinitigan. Napabuntong-hininga akong nakatanaw sa malayo. Mabuti na lang at maaliwalas sa dito Park. Ito rin ang gusto ko dahil mas nakakabuti sa amin ang pag-usapan dito. Sa muli ay hindi ko alam kung saan magsisimulang sabihin kay Zia. Tila malaking kahihiyan ang kinakaharap ko. At kung totoo man ito ay magiging third party ako sa kanila. "Zy, kapag mayroong nagsabi sayo na may pamilya na ang boyfriend, maniniwala ka ba?" "A-Ahm, hindi siguro agad hanggat hindi ko tiyak ang katotohanan. Ma

