LAUREN'S P.O.V NAKATITIG ng matalim si Lauren kay Ace, dahil sa pangunguna nitong magdesisyon. Ginamit pa nito ang ina ng dalaga para lamang hindi siya nito matatanggihan. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon kadaling nagtiwala ang ina sa kanya. "Sumama ka na anak, nakakahiya naman sa kaibigan mo. Huwag mo na kaming isipin at nandito naman si Zia at Nora na makakasama ko," ani Nanay. "All right!" Sa wakas kong sang-ayon ngunit binalingan ko si Ace ng matatalim na tingin. Bahagya akong lumapit sa kanya at nagkunwaring may sasabihin. "Nakakahiya naman, ngunit salamat," nakangiti kong wika. "Huwag kang pakasaya dahil magtutuos tayo!" pabulong kong dugtong.. Ngunit magiliw pa rin itong ngumiti sa harapan namin ni Nanay. Tila hindi natinag sa banta ko. "Salamat sa tulong mo Nay

