chapter 3

1736 Words
Nang nasa tapat na ako mismo ni Judge Franco Santuri ay walang babalang lumipad ang kamay ko at malakas na dumapo sa pisngi niya. Kasabay ng malakas na tunog nang paglagapak ng palad ko roon ay ang singhap ni Harry. Muntikan din akong mapasinghap dahil ang tigas ng mukha ni Judge Santuri at iyong palad ko pa yata ang mas nasaktan dahil ni hindi man lang nagkaroon ng reaksiyon ang mukha nito. Ni hindi nga nito kinagulat ang ginawa kong pagsampal na lalo kong kinainis. Kunot-noo lang itong napatitig sa mukha ko na para bang kinikilala ako sa halip na magtaka kung bakit ko siya sinampal. Muli ay itinaas ko ang isang kamay at balak na sampalin ulit siya pero may humawak at pumigil na niyon. "Bitiwan mo ako," inis kong utos kay Harry na siyang may gawa niyon. "I don't know what’s happening, but I'm stopping you before you do something you'll regret," pabulong niyang sabi sa'kin at sa halip na bitiwan ako ay hinila ako palayo sa tiyuhin niya. Inis akong nagpumiglas mula sa kanya. Hindi ko kailangan ang pinagsasabi niyang pagtulong, ang gusto ko ay muling saktan si Judge Santuri para kahit papaano ay maramdaman niya ang kahit katiting nang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko pa ulit siyang sampalin dahil parang hindi naman niya ramdam ang una kong ginawa, kamay ko pa iyong nasaktan! At never kong pagsisisihan ang bagay na iyon! Hindi ako binitiwan ni Harry kahit anong pagpumiglas ko pero isang senyas lang mula sa tiyuhin niya ay agad niyang ginawa iyon kahit halata ang pag-aalinlangan. Sinibat ko ng galit na tingin si Judge Santuri, at binalewala ang ilang unipormadong mga gwardiya na bigla ay nakahilera na sa isang tabi na tila hinihintay ang utos ng kanilang amo. Sa tingin na binigay ng mga ito sa'kin ay parang kinukuwestiyon nila ang katinuan ng pag-iisip ko. Iniisip siguro nilang nababaliw na ako para sampalin ang isang Judge Franco Santuri. "I think I deserved that slap," mahinahong pahayag ni Judge Santuri habang nakatitig nang diretso sa akin. May napansin akong rekognasyon sa mga mata niya. "The circumstances might not be right, but it's nice to finally meet you, Leahkim." Tulad nang iniisip ko ay kilala nga ako ng gago! Kung kailan wala na si Ate ay tsaka pa talaga kami nagkaharap. Parang may malaking kamay na pumiga sa puso ko nang muling maalala ang sinapit ng kapatid ko. Sumiklab ang galit ko, at tila tuluyang nagdilim ang sariling paningin habang hindi ito inaalis sa kaharap. "P*tang-ina mo, Judge Santuri!" nagngangalit ang bagang kong sigaw. "Ikaw ang pinakawalang kwentang taong nakilala ko!" Sa sulok ng mga mata ko ay nahagip ko pa ang pagpiksi ni Harry na tila ba ito ang tinamaan ng malutong kong mura. Pansin kong parang gusto ako nitong lapitan pero may pag-aalangan itong napapasulyap sa sariling tiyuhin. Hindi pa ako nagkasya sa ginawang pagsigaw-sigaw at humakbang pa ulit ako palapit kay Judge Santuri. Alerto nang nagsikilos ang mga gwardiyang nasa isang tabi lang pero sabay-sabay ring nagsipagtigil nang pasimpleng kumumpas ang isang kamay ni Judge Santuri kaya tuloy-tuloy akong nakalapit pabalik sa harapan niya. Mas matangkad siya kumpara sa'kin kaya kailangan ko pang tumingala dahil hanggang dibdib niya lang ako. Gano'n pa man ay hindi iyon naging dahilan upang makaramdam ako ng intimidation sa harap niya. "Dahil sa'yo namatay ang ate ko!" pagpapatuloy kong sigaw at dinuro pa ang dibdib niya. Hindi sita gumalaw at hinayaan lang ako, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang Isang emosyon na saglit dumaan sa mga mata niya bago ulit bumalik ang mga ito sa pagiging blangko. "Wala na ang Ate ko!" patuloy kong sigaw. Galit kong hinampas ang dibdib niya gamit ang mga kamay ko. Buong-lakas ko man ang ginamit ko ay hindi pa rin iyon sapat upang matinag ang pagkakatayo niya kahit konti. Malaking tao siya kaya tila walang epekto ang ginawa ko. Kamay ko lang iyong napagod at sa bandang huli ay mahigpit na paghawak sa harapang bahagi ng damit niya ang tanging nagawa ko. "Bakit mo pinabayaan ang Ate ko?" puno nang panunumbat kong sigaw sa mismong mukha niya. "Bakit?" May kasama pang yugyog ang tanong ko. Nanginginig na ako sa sobrang galit at masakit na ang lalamunan ko kakasigaw pero nanatili pa ring blangko ang ekspresyon ng kaharap ko. Gusto ko tuloy pagdudahan kung tao ba talaga ito, gayong tila wala itong pakiramdam at hindi kayang magkaroon ng emosyon. Paano minahal ng ate ko ang katulad ni Judge Santuri na sobrang kabaliktaran ng ugali nito. At talaga bang minahal ng taong ito ang kapatid ko? Ngayonb nasa mismong harapan ko na si Judge Santuri ay pakiramdam ko parang napakaimposibleng kaya nitong magmahal. Hindi ito normal na tao, wala itong puso at damdamin! "Sana ikaw na lang ang namatay!" mahina man pero mariin kong usal. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng mga luha ko. Siguro naubos lahat nang natitira kong lakas sa ginawa kong pagsigaw-sigaw at paghampas sa kanya kaya bigla akong nakaramdam nang panghihina. Iglap lang ay biglang umikot ang paningin ko at huling naalala ko ay ang pag-alalang gumuhit sa mukha ni Judge Santuri. Kung kailan ay hinihila ako ng malamig na kadiliman ay tsaka ko pa nakitang nagbago ang ekspresyon niya, kaya pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ng sarili kong paningin. Nang tuluyan akong nilamon ng dilim ay naramdaman ko ang pares ng matitipunong mga braso na sumalo sa nauupos kong katawan. Pagkatapos niyon ay mahabang kadiliman ang naging himlayan ng diwa ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay basta nang muli akong magmulat ng mga mata ay hindi pamilyar na silid ang bumungad sa paningin ko. Hindi pa man tuluyang rumihestro sa isip ko ang paligid ay napabalikwas na ako ng bangon. Malakas na kumabog ang puso nang una kong mapansin ay ang malaking bulto ng taong kasama ko ngayon dito sa silid pero nakatalikod sa direksiyon ko at nakaharap sa labas ng malaking glass window. Hindi na nito kailangan pang lumingon upang makilala ko ito. Tanging si Judge Franco Santuri lang ang kilala kong may gano'n kalapad na balikat at maawtoridad na presensya. "I'm sorry about your sister," mahinahon nitong sabi. Mukhang kahit hindi nakatingin ay alam na agad nitong gising na ako. Ni hindi nga ito gumalaw mula sa pagkakatayo at nanatili pa rin ang tingin sa labas ng bintana na tila ba may kawili-wili itong pinapanood doon. Kinuyom ko ang mga kamay upang pigilan ang sariling batuhin ito ng kahit na anong bagay na abot-kamay ko, katulad na lang lampshade na nasa bedside table. Malaki ito kaya siguradong masasaktan siya kapag tinamaan. "I can feel your murderous intent," pabuntonghininga niyang usal bago walang pagmamadaling pumihit paharap sa'kin. Saglit na nablangko ang isip ko nang mapansin ang tila sinadyang pagkakalas ng ilang butones sa itaas na bahagi ng damit niya. Parang tuksong nasisilip ko mula roon ang mumunting palahibo ng matipuno niyang dibdib. Parang gustong maeskandalo ng utak ko gayong hindi naman talaga siya totally nakahubad sa harapan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kaya kusa akong nag-iwas ng tingin. Lihim kong kinastigo ang sarili dahil kung anu-ano na ang napapansin ko gayong dapat ay mag-focus ako sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon. "Naikwento ka sa'kin ni Riza," malumanay niyang pagpapatuloy sa pagsasalita. Marahas ang ginawa kong pagkalingon ulit sa kanya. Sa kabila nang masama kong tingin ay hindi natitinag niyang sinalubong ang mga ito. "But she forgot to mention that her sister is a wild tigress," dugtong niya. Hindi ko masabi kung nagbibiro ba siya o ano dahil wala namang pinagbago ang ekspresyon niya sa mukha at maging ang tono niya ay gano'n pa rin. "Wala akong panahon para makipag-usap sa'yo," nagngangalit ang mga ngipin kong saad. Padabog kong iwinaksi ang comforter na nakakumot sa'kin bago padabog ang kilos na bumaba sa kinahihigaan kong kama. Una ko agad napansin ay kung gaano kalambot ang carpet na naapakan ko pagkababa bago ko napagtantong nakapaa ako at hindi ko makita kung nasaan ang suot kong sapatos kanina. Pero hindi iyon magiging dahilan upang mananatili ako sa iisang lugar kasama si Judge Santuri. Baka tuluyang magdilim ang paningin ko at pasusunurin ko siya sa kapatid ko. Pamilyar na kurot sa puso ang nararamdaman ko pagkaalala kay Ate. "Binilin ka sa'kin ng Ate mo," pahayag ni Judge Santuri na biglang nagpahinto sa balak kong paghakbang patungo sa nakikita kong pintuan. Natigilan ako at dahan-dahang lumingon sa kanya. Ang sabi sa'kin ay umabot pa ng hospital si Ate bago binawian ng buhay. "N-nakausap mo ba siya?" mahina kong tanong. Parang may bumara sa lalamunan ko habang hinihintay ang sagot niya. Marahan ang ginawa niyang pagtango. Pumitlag ang puso ko. Gusto kong malaman kung ano ang mga huling sinabi ng kapatid ko. Gusto kong makarinig ng kahit na anong makapagbibigay sa'kin ng kapanatagan na kahit gano'n ang nangyari ay naging masaya naman ang buhay niya. Sobrang bata pa ni Ate Riza, hindi pa nito masyadong na-enjoy ang buhay lalo na at inuuna pa ako nito kaysa sarili. "She's worried about leaving you alone," marahang kwento ni Judge Santuri. "Gusto ka pa niya makitang ikasal, at magkaroon ng mga anak... at makamit ang mga pangarap mo sa buhay." Parang may dumurog sa puso ko, dahil ang mga katagang iyon ay ang eksaktong palaging paulit-ulit na sinasabi ni Ate Riza tuwing kausap ko siya. "Tatawagan sana kita, pero ayaw niyang makita mo ang kalagayan niya," pagpapatuloy ni Judge Santuri. "She died in my arms, asking me to take care of you." Nanginginig ang kamay ko habang pinipigilan ang sambulat ng mga emosyon ko. "I will fulfill your sister's last wish," pahayag ni Judge Santuri pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. "Starting today, I'm going to be your benefactor," dugtong niya. "I'll provide for your needs, support your ambitions, and make sure you never have to struggle alone again." Habang nagsasalita si Judge Santuri gamit ang walang emosyon niyang boses habang malamig na nakatingin sa'kin ay kakatwang parang may mainit na kamay na yumakap sa'kin. Agad sumagi sa isip ko si Ate Gina, parang nakikinita ko siyang nakangiti ngayon sa'kin at inuudyukan akong huwag tumutol sa gustong gawin ni Judge Santuri. May pagtatalo mang nagaganap sa loob ko ay alam ko sa sarili ko na ang pinamagandang desisyon ay ang pagtanggap sa tulong ni Judge Santuri. Hindi ko nakikita ngayon na nasasaktan siya sa pagkawala ni Ate, at gustong-gusto kong maramdaman niya ang nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD