"Meaning," dagdag pa ni Dean Lopez habang matamang nakatitig kay Miss Roja. "Kung may issue ka about her transfer, her status, o kung bakit siya narito at sa kung anong ginawa niya ay dapat sa Office of the President ka pumunta at magreklamo." Hindi na maipinta ang mukha ni Miss Roja nang may kalakasan nitong hinampas ang ibabaw ng mesa gamit ang isang kamay. "Why she seems so special?" pagalit nitong tanong. "This might just be a misunderstanding? Look at her, she doesn't look like someone with high status!" Minuwestra pa nito ang kamay sa direksiyon ko habang mapanghamak akong pinasadahan ng tingin. "I bet, she's not even part of any distinguished family," mapanghamak pa nitong dugtong bago umismid. Walang emosyon kong sinalubong ang tingin ni Miss Roja. Minsan pala kahit edukado an

