chapter 24

1664 Words

Hindi ko na pinatagal pa at tinapos ko na ang usapan namin ni Marcy. Hindi na nga ako nag-aksaya pang ipagtanggol ang sarili o magpaliwanag pa. Kakausapin ko na lang ulit siya kapag ako na lang mag-isa at hindi ganitong may pasimpleng nakikitsismis tapos may pangiti-ngiti pa. Nataon namang nakarating na kami sa bahay kaya hindi ko na kailangan pang tiisin nang matagal ang presensya ni Judge Franco. Pagkahintong-pagkahinto nang sinasakyan namin ay inunahan ko nang bumaba ang bodyguard niya. Ni hindi nga ako lumingon nang maramdaman ko ang pagsunod sa'kin nang nagdidisaprobang tingin ni Judge Franco. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad papasok ng bahay na para bang ako iyong may-ari at wala akong iniwang kasama. Hindi ko naman siguro kailangang umastang may asal sa harapan ng taong balak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD