HARRIET'S POINT OF VIEW Natigilan kami ng may marinig kaming katok mula sa pintuan. Agad na pinuntahan ni Dark ang pintuan at saka binuksan. Tinulungan naman ako nina Cairo sa damit ko habang si Leon naman ang humarap sa taong kumatok. "What is it? Who is it?" Tanong ko kay Cairo na abala pa rin sa pag-aayos sa akin. Habang tumatagal, nasusuepresa pa din ako sa mga natutuklasan ko sa kanila. Si Cairo na marunong magluto, si Dark na marunong magtahi ng damit, sina Evans at Joseph na marunong mag-ayos ng aking damit at buhok, at si Leon na maalam sa paghahalaman. Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga prinsipe at hari na ito na tinitingala ng lahat ay marunong ng mga gawaing bahay? Paniguradong magugulat sila. "Cairo. How come that you also know how to fix my hair and my dress?" Tanon

