Maayos na nga lahat sa loob lamang ng tatlong araw, naging tila napakabilis naasikaso ni Don Simon Montefalcon ang lahat. Iba talaga ang nagagawa ng pera at koneksyon nagiging posible ang lahat ng naisin ninuman.
Kaharap nya ngayon ang abogado at ang mga pinagkakatiwalaan ni Don Simon, dala ng mga ito ang marriage certificate nila ng anak ni Don Simon. Nandoon na ang lagda nila ng anak nito.
Nagtataka parin sya kung papanong naikasal sila at nakakuha ng sertipiko. Magtatanong sana sya kay Delfin ang kanang kamay ni Don Samuel subalit tila nabasa nito ang naiisip nya, ngumiti ito sa kanya bago nag wika.
“Money can do everything hija, marahil nagtataka kung papano kayo naikasal ng hindi man lang naihaharap sa altar. Pasensya kana masyado kasing abala ngayon si Drei, napakaraming bagay nyang inaasikaso sa kumpanya. Nag e expand na naman kasi sila knowing Drei he is always a hands on business man. Napakasipag ng iyong asawa a very workaholic man. Pero wag kang mag alala, dala namin ang regalo nya para sayo, at bukod pa doon tanggapin mo ito”.
Iniabot nito sa kanya ang dalawang card. Namilog ang mata nya ng makita ito, credit card iyon at sa hula nya hindi ordinaryong credit card lng iyon, milyon ang credit limit niyon. Gulat syang nakatingin sa nakangiting lalaki sa harap nya.
“Hindi ko po kailangan nyan Mr. Delfin may sarili naman po akong pera, saka malaki na ho ang naitulong sakin ni Don Simon. Sobra sobra na ho iyan.”
“Naku hija hindi mo maaring tanggihan yan, isa kana ngayong Montefalcon at ang lahat ng mga magagandang bagay ay nakalaan na para saiyo. Tanggapin mona iyan, pwede mong itago mo na yan at baka sakaling magamit mo isang araw. Syanga pala, halika at ipapakita ko sayo ang regalo ni Drei sa iyo.”
Iginiya nya ako sa labas ng mansion at habang naglalakad kami ang nasabi nyang hindi ako mapupuntahan muna ni Don Simon sapagkat nasa Europa sya at kasalukuyang busy sa isang branch ng Montefalcon. Ang Montefalcon distillery na isa lamang sa mga malalaking negosyo nila. Tipid na ngiti lamang ang isinukli ko sa kanya. Nagtataka ako sapagkat tila patungo kami sa may garahe ng mansion.
Tila nanlambot ako saking kinatatayuan ng mahagip ng aking tingin ang isa mamahaling sasakyan na nakaparada sa harap namin. May ribbon pang nakakabit dito, atubili akong humarap kay Mr. Delfin at mas lalong nanlambot ang aking mga tuhod ng tumango sya at kinumpirmang iyon nga ang regalo ni Drei Montefalcon sa akin.
Kahit nag tatakay, hindi ko maiwasang mangiti, nasa isip ko na baka mabait ang napangasawa ko buruin mo niregaluhan nya ang unseen wife nya ng isang mamahaling sasakyan. Ang swerte ko naman pala kahit papaano.
Nilingon ko Mr. Delfin at nagpasalamat, bagaman sinabi ko sa kanya na hindi naman na kailangan na gastuhan pa ako ng asawa ko o ni Don Simon sapat na sa akin ang mga naitulong nila. Habang buhay ko ng ipagpapasalamat iyon. Matapos naming makapag usap ay nagpaalam na si Mr. Delfin sapagkat marami pa raw syang aasikasuhin.
Malungkot akong nahiga sa loob na aking silid. Bukas na bukas babalik na akong Maynila. Bukas ko na rin makikita si Baste. Miss na miss ko na sya ngunit hindi ko alam kong paano ko syang haharapin.
Tila yata na miss nya rin ako dahil saktong kakaisip ko sa kanya ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. I took a deep breath before I answered his call.
Pinilit kong pasiglahin ang boses ko ng sa gayon ay hindi nya mahalatang malungkot ako.
“Hello” panimula ko.
“Hello love, how are you? Miss na miss na talaga kita. Gusto sana kitang puntahan dyan kaso baka ma bad trip kana sakin, ayaw na ayaw mo pa namang sinusorpresa kita,” tuloy-tuloy na sabi nito. Bigla na lamang tumulo ang mga luha nya. Dali dali nyang tinakpan ang bibig nya baka kasi marinig nito ang pag hikbi nya.
“Hoy love, hindi kana sumagot dyan. Sus alam ko miss na miss mo na rin ako” sabi pa nito sabay tawa. Kahit kailan talaga napaka sweet nito at napaka bait. Minsan nga nag selos pa sya dahil sa sobrang bait nito kahit nakikipaglandian na sa kanya ang babae eh hindi nya magawang suwayin dahil, nakakawalang respeto daw iyon. Tuloy ang ending palagi nya itong inaaway, at palagi rin naman sya nitong sinusuyo.
Hindi na nya napigilan ang pag iyak nya. Tuluyan na syang napahagulhol ng iyak. Hindi nya alam kong papaano nya sasabihin dito ang lahat. It hurts her more to break his heart. It feels like she was killing herself instead.
“Hoy love” nag aalalang sambit nito. “Were you crying? Why? Did anything wrong happen in there? Do you want me to come and get you?” patuloy na tanong nito na mas lalo nyang iniyakan.
“Ano ba, Maddy nag aalala na ako? What’s happening to you? May umaway ba sayo? May masakit ba, hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Are you okay? ” ramdam nyang kabado na ito kaya pinilit nyang pakalmahin ang sarili at magkunwaring masigla.
“No love I’m fine. Na miss lng kita”. Nauutal Kong sagot pilit pinapasigla ang Boses sa kabila Ng pag iyak.
“Ay ano bayan Love, tinakot mo ako, alam mo bang nasa labas na ako ng bahay, at pasakay na ng kotse, makakarating ako dyan ng naka boxer lang” tatawa tawang wika nito.
Pinigilan na naman nyang muling maiyak. That’s one of Baste’s characteristics that made her fall inlove with him. He cares and loves her so much. Na sa tuwing in trouble sya ay parati itong natataranta, ang ending nagiging katawa tawa ang itsura nito. She lost counts on those how may times it happened but those moments stayed in her mind and heart forever. In this world she realised na hindi lahat pwedeng makuha ng isang tao, gaya nya she needs to lost the one he loves just to keep something very important to her. If she's just selfish, she would always choose Baste over anything but maybe she was not meant to be happy and this house was the only thing her family left for her. There is so many memories she cherish and she wanted to always reminished those moments with them when they are still alive.
“I love you love” she whispered with her hands holding her heart. Naninikip ang dibdib nya.
“I love you more love, I really love you so much. I thank God everyday for having you.” Baste answered and that made her tears spring in her eyes again. While uttering in her mind .
“I’m sorry love”.