Narrator Merong isang babae na tuwang-tuwa dahil hindi na pala sya mahihirapan pang alisin sa landas si Sonata. Parang sumasang-ayon sa kanya ang lahat. "Karma is good. And the last card is on me." ani nito at napahalakhak. Sa kabilang banda ay dahil sa biglaang nangyari kay Sonata ay kailangan na maghintay muna ng tugon sa donor bago umpisahan ang operasyon.. Sa ngayon ay tinitignan ng mga doctor ang lagay ni Sonata habang natutulog ito. "Kung ayaw nilang ibigay ay maghanap ng ibang donor. I'll pay double." sabi ni Hammer na mas lalong naiinis sa nangyayari. Kung kelan handang operahan si Sonata ay tsaka naman umayaw ang nakausap nang pamilya ng donor na napili nila na sakto para kay Sonata. "Pero Director, hindi ganun kadali ang hinihiling nyo. Kailangan nang ma-operahan ni Miss Son

