KABANATA 12

3333 Words
Sonata I wanted to tell him about my feelings but I'm not sure if it's okay to say that right now. Maraming 'What if.' 'Later.' na sumasagi sa isip ko na pumipigil dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba. O hindi ko alam kung ano kaya ang magiging reaksyon nya. I don't know if he's really love me that much. It's almost four mouths when we met each other and become a lover. "Babe, anong iniisip mo?" "Hmm?" Napatingin ako sa kanya mula sa pagtingin sa plato ko. Napahinga ako ng malalim at umiling, "Nothing.." Tinignan nya ako ng masinsinan tila ba inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. "Alright.. But since back then, you always spacing out. Do you have a problem?" ang tinutukoy nya ang birthday nya. Hindi gusto ni Hammer ng party. Kaya simpleng celebration lang ang nais nya with his family. Well we are the same. Nagustuhan ko ang party nya na walang ibang tao kundi ang pamilya nya lang. Medyo hindi ako masyadong nakipaglapit sa ibang Esteban dahil meron parin akong pakiramdam na baka pagtalikod ko ay may bumaril nalang sa akin na isa sa kanila. Masaya si Hammer at nakikita kong iba sya kapag kaharap ang pamilya nya. Puro expensive gift ang regalo sa kanya ng pamilya nya. Habang ako ay simpleng letter card lang na naging basura pa. "Wala nga." tugon ko at kumain ng pagkain ko. "Good. I thought you have a problem with me." Napakuyom ako nang kaliwang kamay sa ilalim ng lamesa at lihim na nag-init ang ulo ko. Pinipigilan ko lang ang bulyawan sya sa ginawa nya sa card ko. Geez. Ang tagal ko pinag-isipan kung anong isusulat ko tapos naging ganun nalang bigla-bigla. Hindi ko kasi alam kung paano ko ibibigay sa kanya ang letter. Kaya that time nang nasa isang lamesa kami sa birthday celebration nya ay tumayo sya para mag cr sandali. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon na ilagay ang card sa upuan nya para kapag nakita nya ay mababasa nya. Nang makabalik sya ay syang tayo ko naman para kunwari ay kumuha ng pagkain. Inaabangan ko ang gagawin nya nang makalapit na sya sa table nya. Pero ang kinanganga ko ay natabig nya ang tubig nya sa lamesa at nabasa ang upuan nya. Tapos...tapos... Ginawa nya lang pang punas ang card ko. Damn it. Hindi ba nya naisip na happy birthday card iyon for him. Nang tignan ko ang card ay nasira at basang-basa na. Nabura na rin ang nakasulat at tinta nalang ng ballpen ang naiwan. Sobra akong nanlulumo dahil nasira lang ang ginawa ko. Tapos.. "Hey, what's your birthday present to me?" Nagtanong pa talaga sya about sa birthday present.. That time is the most embarassing moment that I've experience. Na nakatingin la sa akin ang lahat habang hinihintay ang birthday present ko para sa Hammer nila. Lahat ay may regalo pwera nalang sa akin. "Wala." halos pabulong na sabi ko at napayuko ako sa sobrang pagkainis. Narinig ko ang tawa ni Edward na pinakamalakas tila ba sinusura si Hammer. "That's new. Poor, brother." Tumingin ako kay Hammer noon na nakatingin sa akin. Pero nabigla ako ng lumapit sya at iharap ako sa pamilya nya. "Well, hindi ko na kailangan nang expensive gift galing sa kanya, kung meron naman syang binigay sa akin na pinakamagandang regalo sa lahat." Humawak sya sa tiyan ko ng time na iyon at hinaplos sa harap ng pamilya nya. "She's pregnant." anunsyo nya na kinasinghap ng lahat. Halos mangiyak-ngiyak ang Mom nya sa balita nya. Syempre sino pa ba ang mas tuwang-tuwa kundi ang Lola nya. Pero nang mga oras na iyon ay ibang pakiramdam ang naramdaman ko habang napapalibutan ako ng mga taong bumabati sa amin at masaya sa balitang sinabi ni Hammer. "I'm done." Tumayo na ako at umalis sa lamesa. Nakakainis. Hindi talaga ako makamove-on sa card letter ko. First time ko lang ginawa tapos nasira pa. - Hammer Napahinga ako ng malalim at uminom ng tubig habang iniisip kung ano ang problema ni Soul. Wala naman akong naalala na may ginawa ako. Well pwera nalang sa mga bagay na dapat nyang gawin. Ako ang nasusunod sa mga kinakain nya at ginagawa. Napailing ako habang hindi maisip ang kinatatampo nya. Kaya para makakuha ng idea sa kinikilos ni Soul ay tinawagan ko si Edward. "Bro, baka naman pregnant mood lang iyan. Ganyan minsan si Mom kay Dad, 'di ba?" "Yeah. Pero tingin ko ay mas seryoso ang kinatatampo nya." "Aist. Kaya ayoko nang serious relationship. Sakit sa ulo lang iyan." "Tsk. Bakit ba ikaw ang tinawagan ko, asshole!?" Natawa sya kaya binaba ko na ang tawag. Napailing ako at tumayo na para puntahan si Soul. Paglabas ko nang kusina ay nakita ko ito sa sofa at nanood. Lumapit ako at huminto sa likod ng sofa. Kitang-kita ko rito ang umbok ng tiyan nya na kinangiti ko. Pinatong ko ang siko sa sofa at inabot ang tiyan nya bago hinimas. "Babe, ano sa tingin mo ang gender ng baby natin?" "I don't know." aniya. She's like that. Mad and bored. "Do you have a problem with me, babe?" "Wala nga. Wag mo akong kausapin." Ngumisi ako at umalis sa likod ng sofa. Pumunta ako sa harap nya at naupo bago sya tignan. Hindi sya nakatingin sa akin kundi sa telebisyon. Kaya inabot ko ang remote at pinatay ang t.v na kinainis nya. "Ano ba. Ang bastos mo nanonood pa ako." "Really? So ano ang palabas kanina?" Hindi sya nakaimik at umiwas ng tingin. Ngumisi ako at tinignan syang mabuti. "Tell me now, Babe. My ears are open for you." "Wala akong sasabihin.." Still hard headed. "Okay. I thought you have something to tell me. It's almost four mouth when we become a couple. And you will never say what's your feelings towards me." Tinignan ko sya at natigilan sya. Ambang tatayo ako nang mapaupo akong muli at napatingin sa kanya ng pigilan nya ako sa balikat. Nabigla ako suntukin nya ang dibdib ko at napaiyak sya. "It's all your fault! Nalaman mo na dapat ang nais kong sabihin kung hindi mo sinira ang card letter ko!" Pinigil ko ang mga kamay nya at nagtataka na tinignan ko sya. "What? I don't understand you." Inagaw nya ang mga kamay sa akin at napakuyom sya ng kamay. "Hindi ko sasabihin sa'yo. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa card. Bahala ka sa buhay mo." Tumayo sya kaya tumabi ako at tinignan sya na nagdadabog na pumunta nang kwarto. Tumayo ako at naupo sa sofa habang iniisip ang card na sinasabi nya. Aist. This is so hard. Bakit ba ayaw pa nyang sabihin? Sumandal ang ulo ko sa sofa at napatingin sa chandelier habang iniisip ang card. Card? Card? Where the f**k that card? Pumikit ako pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maalala. Nagsimula lang naman syang maging ganyan noon pang birthday ko. Nung una ay ayos pa ang pakikitungo nya pero pag uwi namin ay nag-iba na. Inisip ko kung may nakita ba akong card noon. Napadilat ako at napaupo nang maalala ang isang papel na bagay na ginawa kong pang punas sa natapong tubig. Napasapo ako ng noo dahil tila iyon ang tinutukoy nya. I never thought of her doing that kind of sweet stuff. But I can't stop myself to smile. Damn it. - Sonata Napatingin ako sa tiyan ko na may umbok na. Three months pregnant na ako at ramdam ko ang pagbabago sa katawan at mood ko. Mahirap dahil bago sa akin ito at hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa susunod na mga buwan. Dahil masyadong over protective si Hammer kaya minsan lang din akong nakakalabas ng bahay. Maganda na daw na nasa condo lang ako para ligtas at hindi daw mapano ang bata sa tiyan ko. Nagpapatawag nalang sya nang ob-gyne para tignan bawat dalawang linggo ang lagay ko. Panatag akong walang sasabihin ang doctora ko sa kondisyon ko kay Hammer. Iyon ang unang beses na nakiusap ako sa ibang tao para lang ilihim ang sakit ko. Oras na mas lumaki ang baby sa tiyan ko at maging ganap na buo na ang buong katawan nya ay meron sa akin na nalulungkot dahil kaunting panahon na rin ang bibilangin ko. Kesa mawala ang baby na mas tiyak akong malaki ang magiging role sa mundo at magiging makabuluhan ay mas mainam na sya ang mabuhay kesa sa akin. Oo, ngayon ko lang naranasan muli ang maging masaya sa piling ni Hammer. Pero pakiramdam ko ay hanggang doon nalang ang takbo ng buhay ko. At least kahit papaano ay mawawala ako na masaya at panatag ako na maiiwan ang anak ko kay Hammer. Napapunas ako ng luha at napatingin kay Hammer na biglang pumasok. Napatingin sya sa akin at lumapit. "You crying?" tanong nya. Umiling ako. Nang makalapit sya at naupo sya paharap sa akin ay tinignan nya ako ng masinsinan. "I'm sorry." Napatitig ako sa kanya dahil sa biglang pagsosorry nya. Hindi ko maunawaan kung para saan? "I'm sorry to destroy your message card." Napalunok ako at umiwas ng tingin pero napatingin muli ako sa kanya ng hawakan nya ang baba ko at iharap ang mukha ko sa kanya. "Tell me the message inside of your card." "Para saan pa? Sinira mo." "Geez. Kung binigay mo nalang kasi sa akin kesa nilapag mo sa upuan ko edi sana hindi magiging ganun ang kalalabasan." Hinawi ko ang kamay nya at humalukipkip ako bago sumandal sa sandalan ng sofa rito sa kwarto.. "Edi kasalanan ko pa ngayon?" Napahilot sya sa bridge ng ilong nya kaya umirap ako. "Okay, it's all my fault..." tumingin sya sa akin ng seryoso habang nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay nyang nakapatong sa sofa, "So, tell me your feelings to me right now." Napalunok ako at napaayos ng upo. "Inaantok na ako--" "Sonata Winson, don't make me mad." banta nya. Napahinto ako at nabiglang napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ako sa mga braso at tinitigan ng seryoso. "Say it to me right now." aniya ng mariin. Napatitig ako sa kanya at ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Sa aming dalawa ay sya ang bokal ang pinapakita. Kahit nalaman na nya ang pagkatao ko at kahit na noon ay nasaktan ko sya gamit ang mga bagay na nakakapanakit ay hindi nya ako ginantihan at sinaktan gaya ng ginawa ko sa kanya. Alam ko na unfair na sa kanya na palaging sinasabi at pinapakita nya kung anong gusto nya sa akin. Siguro ay dapat ko na ring sabihin bago pa mahuli ang lahat. "I l--" "What?" Pumikit ako at napakuyom ng kamay habang ramdam ko ang pagsumpong ng sakit ng dibdib ko. Tiniis ko at hindi pinahalata sa kanya. "I l-love..you." Ngumiti ako kahit na halos hindi ko makayanan. Napangiti sya at ambang hahalikan ako ay niyakap ko sya. "M-Manatili lamang tayong ganito, please.." pakiusap ko habang bumibilis ang paghinga ko. "Are you alright?" "Hmm.." tumango ako pero napaiyak ako dahil habang tumatagal na hindi ako nagagamot ay mas lumalala ang sakit ng dibdib ko. Hindi ako pwedeng uminom ng gamot dahil magiging komplikado sa bata. "Gusto ko nang magpahinga. Pwede mo ba akong dalhin sa kama?" "Sure, babe." sagot nya agad kaya umalis ako ng yakap at pinangko nya ako kaya sumandal ako sa dibdib nya, "Are you sure, you are okay? You look pale." "I'm okay, Hammer. Sign lang ito ng pagbubuntis ko." ngumiti ako at tumingin sa kanya para hindi sya manghinala. Ngumiti sya at tumango bago tumingin sa kama. Hiniga nya ako sa kama kaya umayos ako ng higa at tumingin sa kanya. "I-Ibili mo ako ng chocolate." "Huh? Wala ka namang hilig doon. Tsaka baka hindi pwede sa'yo iyon--" "Please.." Napahinga sya ng malalim at tumango. "Okay. Dito ka lang at babalik agad ako." Ngumiti ako at tumango. Ngumiti sya at hinalikan ako sa labi bago sya umayos ng tayo. Tinignan ko pa sya hanggang makalabas sya. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko na natiis na hindi dumaing. Napahawak ako sa kumot at dahan-dahan na bumangon. Umusog ako para makarating sa kabilang side ng kama. Pinilit kong maabot ang tinatago kong cellphone sa ilalim ng side table na nakadikit doon para hindi makita ni Hammer. Agad na tinawagan ko si Abe ng mahawakan ko ito. (Soul--) "I can't take this anymore. I can't breath." (Alright. Pupunta na ako d'yan.) Napahiga ako sa kama at napapikit habang pinagpapawisan na ako sa sobrang sakit ng dibdib ko. Sinabi ko kay Abe ang password ng condo ni Hammer kaya agad syang nakapasok. At kumuha din sya ng unit rito para madali ko syang matatawag. Hindi alam ni Hammer iyon at hiniling ko na wag syang magpapakita kay Hammer. "Bakit kasi ayaw mo pang sabihin kay Hammer? Hindi pwedeng palagi nalang kitang pupuntahan rito. Maganda kung laboratory mismo ang gamitin para mas masuri ka." aniya. "Wag mo na akong sermunan, Abe." Napahinga sya ng malalim at tinignan ang vital sign ko. May nilagay sya na oxygen sa akin at may gamit sya upang pang tingin sa kondisyon ng puso ko. "Soul.." Napatingin ako sa kanya at sa tingin nya ay alam ko na ang kondisyon ko. "Lalong lumalala ang sakit mo. Kung hindi ka ooperahan ay baka--", "Ayoko, Abe." "Pero Soul, maaari ka parin naman--" "Ayoko nga! Please, wag na wag mong sasabihin kay Hammer." "Hahanap ako ng donor para sa'yo. Pag-isipan mo parin ito, Soul." Umiwas ako ng tingin at unti-unting pumatak ang luha ko. Napapikit ako at wala akong gustong gawin ngayon kundi ang matulog. Napakaganda ng panaginip ko. Isang batang napakacute na tinatawag akong Mama. Ang anak ko. Ang sarap-sarap nyang buhatin at pangitiin. Nasa isa kaming lugar kung saan ay napakasaya at walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang magdamag lamang akong nakatitig sa kanya. I want him to stay. Gusto kong makita nya ang napakagandang mundo na naghihintay sa kanya. "Soul.. Soul.." Unti-unti akong napadilat at napatingin ako kay Hammer. Tinignan ko sa paligid si Abe ng maalala ko ito. Nang makitang wala sya ay nakahinga ako ng maluwag. "Here's your chocolate." Napatingin ako sa pinakita nya at kinuha ko iyon. Wala akong hilig sa ganito. Kaya itatabi ko nalang sya. "Thank you, Hammer." "Nakapagluto na rin ako.. Tara." "Huh?" tumingin ako sa wall clock at nakita ko na alas sais na pala ng gabi. Matagal na rin pala akong nakatulog. Pero sa panaginip ko ay parang sandali ko lamang nakita at nakasama ang anak ko. Bumangon ako kahit na nanghihina ako. Humawak ako sa kamay nya ng hawakan nya ang kamay ko. Sabay kaming nagtungo sa kusina at nakita ko ang mga niluto nya. "Babe, kailangan kong pumunta bukas sa Esteban Hospital. Sumama ka sa akin. Doon ka lang sa office ko." Napahinto ako sa pagkain at napaisip ako. "Ah, si Doctor Pariñas ba ay pumasok na?" Tinignan ko sya at tumingin sya sa akin. "Hindi pa.. Nasa isang voluteer service sya sa kabundukan kaya matagal pa syang makakabalik." Lihim na nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Sana ay wag munang bumalik si Doctor Pariñas. "Bakit mo nga pala tinatanong?" tanong nya na may panghihinala. "Wala.. Naisip ko lang na baka nahihirapan ka dahil mag-isa kang humaharap ngayon sa heart surgery." "Meron namang ibang doctor din sa heart surgery. Pero kung sa galing nga ay isa na rin si Doctor Pariñas sa expert." "Pero ikaw parin ang hinahanap ng mga pasyente mo kesa sa ibang doctor na naiwan sa Esteban Hospital.. Ginagamot mo na ba sila na hindi ka tumatanggi?" Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos habang nakatingin sya sa akin at nakangiti. "Gaya ng sabi mo." Napangiti ako dahil sinunod nya ako. Gusto kong baguhin ni Hammer ang pakikitungo nya sa ibang pasyente para magustuhan sya ng ibang tao. Gusto ko na makita si Hammer na maging tanyag pa lalo sa larangan ng medisina para kung sakali na wala na ako ay masaya akong makitang successful sya. - The next day... Gaya ng sabi nya ay sinama nya ako sa hospital. Narito lamang ako sa office nya habang sya ay nasa doctor's conference room kasama ng ibang doctor habang pinagmemeetingan nila ang gagawing surgery sa isang pasyente. Napatingin ako sa pumasok na si Head Nurse Coleen. Napatingin sya sa akin at tumango bago pumasok. "Dinala ko lang itong files para kay Director." aniya. Tumango ako at tinignan sya na napatingin sa tiyan ko. "Totoo nga ang balita na magkakaanak na kayo ni Director." Aniya. "Yeah.." Nilapag nya sa table ni Hammer ang mga files at humarap sya sa akin. "Ilang months na iyan?" Tanong nya. "Three months." Tumango sya at pinakatitigan ang tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko kaya napatingin sya sa akin. "Wala ka bang dinaramdam ngayon?" Bigla ay na-tense ako sa tanong nya. "Wala naman. Bakit mo natanong?" Tinignan nya ako pero hindi ko mabasa ang iniisip nya. "Hanggang kelan mo ililihim kay Director ang sakit mo?" Natigilan ako at napakuyom ako ng kamay sa sinabi nya. "Ano bang pinagsasabi mo?" "Don't deny it, Sonata. Nakita ko na may tinapon ka sa basurahan sa gilid ng vending machine na isang envelope. Nang umalis ka ay nilapitan ko iyon at tinignan. At nakita ko na resulta ng medical issue mo iyon." Napatayo ako at kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Please, wag mong sasabihin sa kanya." Ngumiti sya at umiling, "Hindi ko sasabihin. Pero ano ba ang kondisyon mo? Bakit hindi ka nagpapagamot sa kanya?" Tinignan ko sya at tinatansya ko kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Pero mukhang wala namang balak na makialam si Nurse Coleen sa pagitan namin ni Hammer. Sinabi ko sa kanya ang kondisyon ko at nabigla ako ng yakapin nya ako. "Your secret is safe, Sonata. Hinding-hindi malalaman ito ni Director." Bumitaw sya at ngumiti sa akin. Ngayon lamang ako nginitian ni Nurse Coleen na dati ay palaging masungit sa akin. Ngumiti ako at nakahinga ng maluwag. "Salamat." Napatingin ako sa kamay nya ng maglahad sya ng kamay. "Friends." aniya. Tinignan ko sya at nakangiti sya habang hinihintay ang tugon ko. Bukod kay Kei ay si Abe ang isa sa nasasabi kong pwede kong pagkatiwalaan at kaibigan na noon ay ayokong aminin. Pero naisip ko na wala na akong panahon para maging malamig sa ibang tao. Tinanggap ko ang kamay nya at napangiti sya. Napatingin kami ng bumukas ang pinto at nakita ko si Hammer. Nagtataka na napatingin sya sa kamay namin ni Coleen kaya bumitaw ako. "Anong nangyayari rito?" Napahinga ako ng malalim at tumingin kay Coleen. Ngumiti sya na tumingin sa akin bago kay Hammer. "Wala, Director. Kinakamusta ko lang si Miss Sonata." Tumingin sa akin si Hammer at lumapit. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Nainip ka ba dito?" Umiling ako, "Hindi naman.." Nakahinga sya ng maluwag at tumingin kay Coleen. "Maaari mo na kaming iwan." aniya kay Coleen. "Okay, Director. Pero iniwan ko na ang files sa table nyo. Pakitignan nalang." Tumango lang si Hammer at inalalayan akong maupo. Tumingin ako kay Coleen at ngumiti sya bago umalis. "Kelan ka pa naging close kay Coleen?" tanong nya habang tinitignan ang files na sinasabi ni Coleen. "Ngayon lang." tugon ko habang tinitignan ang binabasa nya. Baka mamaya ay may iniwan si Coleen na maaaring mabasa ni Hammer. "Hindi ko akalain na makikipaglapit sa'yo si Coleen. Nakakapagtaka." Napakuno't noo ako sa sinabi nya. "Bakit mo nasabi? Anong problema kung nakikipaglapit sa akin si Coleen?" Tumingin sya sa akin at ngumisi. "Isa si Coleen sa mga stalker ko." Napamaang ako at biglang napaisip. "Wag kang masyadong magtitiwala kay Nurse Coleen. Isa sya sa mga babaeng masyadong obssess sa akin." dagdag pa nya. Napahawak ako ng mariin sa hita ko at bigla ay hindi ko alam ang iisipin. Ibig sabihin ay may motibo si Coleen kaya sinusuportahan nya akong ilihim ang sekreto ko kay Hammer. At iyon ay oras na mawala ako ay iniisip nya na may pag-asa sya kay Hammer. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD