Sonata
Pagpasok sa CEO office ay nakita ko na ginagamot ang balikat ni Hammer. Mahigpit ang hawak sa akin ng tauhan ng Esteban at binitawan lang ako ng maipasok ako.
"Senyorito, siya ba ang pinahahanap mo?" tanong nito.
Tumango si Hammer na hindi man lang iniinda ang sakit ng pagkabaril ko. Lihim na kumuyom ang mga kamay ko dahil ilang pulgada lang ang layo ni James Esteban sa akin.
"Soul, saan ka nagpunta? Bakit hindi ka sumunod?"
Napatingin ako kay Hammer. Ewan ko kung bakit ba umepal pa ito. Si James Esteban na sana ang mapupuruhan ko sa ulo kung hindi lang siya humarang.
"Saan ba dapat ako pumunta?" tanong ko rin.
Natawa si James Esteban kaya napatingin ako rito. Pero agad akong umiwas dahil meron sa tingin niya na parang kinakabahan ako.
"Both of you are the same, Apo. You are right, she's interesting." sabi nito.
Natawa si Hammer pero alam kong peke. Sinenyasan ako nito kaya lumapit ako kahit hindi ko alam para saan kung bakit niya ako pinapalapit.
Hinatak niya ako ng makalapit ako kaya napaupo ako sa tabi niya. Tumalikod siya sa akin ng kaunti kung saan 'yung tama ng baril ko.
"Masakit sa buto.. Tingin mo naapektuhan ang ribs ko?"
Malalim rin ang kinabaon ng bala kaya naman pinagpapawisan rin si Hammer sa lalim ng sugat niya.
"Yeah.." tugon ko.
Napatingin kami sa pumasok at mga tauhan ng Esteban. Nagyukuan ang mga ito kaya sa sugat ni Hammer ako tumingin.
"Nahanap niyo?" tanong ng kanang kamay ni James Esteban.
"Hindi, Boss. Nakita na lang namin ito."
Napatingin ako sa pinakita nito at 'yung jacket at mask ko. s**t.
"Tila babae ang tuma-target sa inyo, Lord." sabi ng kanang kamay ni James Esteban.
"Ano pa man 'yan, hanapin niyo ang nagmamay-ari n'yan. Tiyak na empleyado ko iyon dahil alam niya kung saan susuot." tumingin sa akin si James Esteban, "Right, Ms. Kingston."
Tumango ako habang lihim na nanggigil ang ngipin ko.
"Are you okay, Soul?"
Tumingin ako kay Hammer na medyo lumingon sa akin. Tumango ako at maayos na nilinis ang sugat niya. Napadiin pala ang pagpahid ko ng anti-bacteria sa sugat niya.
"Anyway, I have to go, Apo. Tiyak na hinahanap na ako ng Lola mo."
Ngumisi si Hammer, "I don't think so, Lolo."
Natawa si James Esteban at tumayo na. Naging alerto ang mga bantay niya at nang tumalikod na syya ay matalim na tinignan ko ito.
Hindi dapat malaman ni Papa na pumalpak ako dahil baka hindi na niya ako pansinin pa at sa iba ipagawa ang pinapagawa niya.
Tumayo ako para sumunod pero napatigil ako ng pigilan ako ni Hammer kaya napatingin ako rito.
"Where are you going?" tanong niya.
"I'm going back to my duty." simpleng tugon ko at hahakbang sana muli ako ng pigilan niya muli ako.
"Don't worry about that. Your duty is me."
Napakuno't noo ako sa sinabi niya, "What?"
Ngumisi siya at tumayo habang nakahawak sa balikat niya.
"I'm not okay now. I can't move my right arm, so hindi ako makakain."
"So?"
Natawa siya at hinatak ako, "Nagugutom ako, kaya subuan mo ako."
"WHAT?!" galit na sabi ko at pilit binabaklas ang kamay niya.
Nang maalis ko ay nauna akong humakbang sa kanya at lumabas. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa baywang ko at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa balikat niya at binuhat ng parang sako.
Napahinga ako ng malalim dahil tila magiging balakid pa siya sa misyon ko.
"Put me down, okay?" nagtitimpi kong pakiusap.
"Nah.. Bibitawan lang kita kapag nasa restaurant na tayo."
Napatingin ako kay Abe at sinenyasan ko siya na ayos lang ako. Sinenyasan niya ako na pinapatawag ako ni Papa.
Shit.
"Nahihilo ako." sabi ko.
Napahinto si Hammer at inalis niya ako sa balikat niya at pinangko. Tumingin ako sa kanya.
"Akala ko ba hindi mo magalaw ang kanang kamay ko?" tanong ko habang nanggigigil ako na sapakin siya.
"Yeah but my left arm is strong and you're not heavy."
Tumingin na siya sa daan habang buhat-buhat ako kaya pinagtitinginan tuloy kami ng mga nurse na nakakakita.
Napahinga ako ng malalim at nagsimula na akong kabahan habang iniisip ko kung nalaman kaya ni Papa na pumalpak ako.
"Hey, are you alright? Anong iniisip mo?"
Umiling ako at nag-isip ako ng paraan paano matatakasan itong asungot na ito. Bakit tila wala naman sa profile niya ang pagiging epal?
Nang makarating kami sa likod ng hospital kung saan may mga restaurant rin dito.. Binaba na niya ako ng makapasok sa loob.
"Aist. Tila napuruhan ako ng husto."
Tumingin ako sa kanya ng maupo ako sa isang upuan. Naupo siya sa katapat ko habang nakahawak sa balikat niya dahil hindi rin niya maabot ang likod niya.. Napansin ko na namumutla siya at pinagpapawisan.
"You need to rest. Hindi pa magaling ang sugat mo at baka nabinat ka sa pagbuhat mo sa akin."
Tumingin siya sa akin at may kinapa siya sa bulsa. Agad ko namang sinalo ang cellphone niya ng ihagis niya ito sa akin.
"Hanapin mo sa phone book ko si Theo. Call him and tell him to fetch me."
Tumango ako at binuksan ang cellphone niya. Hinanap ko ang sinasabi niyang Theo. Nang makita ko ay dinial ko ito.
(Boss?)
"Pick-up your boss here in the hospital. He's in danger."
Napatingin ako kay Hammer na natawa at inagaw sa akin ang cellphone niya.
"I'm okay, just fetch me now."
Binaba na niya ang phone at tumingin siya sa akin habang halata na nanghihina na siya.
"Come with me.."
"I'm sorry pero may pupuntahan pa ako."
Tumango siya at ngumisi, "May I ask where are you going?"
"It's private."
"You are going to see Doctor Sato?"
Tinignan ko siya dahil bakit niya nasabi kay Abe ako makikipagkita.
"Is he your boyfriend?" tanong niyang muli.
Umiling ako, "He's just a person that I know."
Bigla siyang napangiti sa sinabi ko, "It's good to hear that."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tumingin ako sa patakbong mga lalake sa gawi namin. Kaya alam ko na ito ang tinawagan namin. Tumayo na ako at agad na yumuko sila kay Hammer ng makalapit ang mga ito.
"Boss, anong nangyari sa inyo?" tanong nito at tinignan ako tila na may panghihinala.
"May gustong pumatay kay Lolo. Mabuti na lang sa akin tumama ang bala dahil baka natamaan si Lolo kung sakali."
Tumayo si Hammer pero agad siyang inalalayan ng mga alagad niya.
"I'm okay. Soul, come here."
Lihim na napairap ako dahil nauubos na ang oras ko. Pero lumapit na ako at napahawak ako sa baywang niya ng kumapit siya sa balikat ko na nakaakbay.
"Alalayan mo muna ako." aniya.
Tumango sa akin 'yung Theo at pinauna na kaming maglakad kaya wala akong magawa. Nakapalibot sa amin ang alagad niya at pansin ko na tila sila mga hasa ang katawan.
Paglabas namin ay nakita ko ang sasakyang dala nila. Pinagbuksan nila kami at inalalayan nila si Hammer sa sasakyan. Humakbang na ako at tumalikod.
"Miss."
Napahinto ako at humarap ng pigilan ako sa balikat ni Theo.
"Bakit?"
"Sumabay ka na raw."
"No need, I have my motor. Tell him to rest and stop being annoying." pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ako.
-
Theo
Tinignan ko pa ang palayong babae bago pumasok na sa sasakyan.
"Follow her."
Tumingin ako kay Boss na nakapikit habang nasa backseat.
"Pero kailangan niyong magamot agad ng maayos, Boss."
"Follow her. I want to make sure if she's telling the truth."
Napahinga ako ng malalim at tumango kay Frank na nasa driver seat. Pinaandar na ni Frank ang sasakyan at lumusot kami sa exit.. Pero tinignan muna namin ang sinasabing babae ni Boss na sumakay ng motor.
Hindi gawain ni Boss na bumuntot sa babae kaya nakakapagtaka na susundan namin ito. Nang umalis na ang babae sakay ng motor nito ay pinaandar na muli ni Frank ang sasakyan habang sinusundan ito na hindi ito makakahalata.
Mabilis rin magpatakbo ito at sumisingit sa mga sasakyan kaya naging mahirap rin na habulin ito. Pero magaling si Frank kaya nahahabol pa rin namin ito.
Pero mas lalo itong bumilis na tila natunugan kami.
"Bilisan mo, baka hindi natin maabutan." sabi ko kay Frank.
"Ma-o-over speed na tayo." sabi ni Frank.
"Use the other route." utos ni Boss kaya nagkatanguan kami ni Frank.
Niliko ni Frank ang kotse sa kabilang kalsada. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse pabalik pero agad na lumiko sa isang kalsada kung saan ang short cut. Nang makalabas na muli kami sa kalsadang dinaanan namin ay tumingin kami sa daan kung saan dumaan ang babaeng kasama ni Boss.
"Wala na siya." sabi ko.
"It's okay. Let's go." utos ni Boss kaya tumingin ako rito. Nakapikit pa rin siya at hindi ko alam ang iniisip niya.
Hindi man sa pag-iisip ng iba pero mukhang delikado ang babaeng iyon. Dahil kapag ganyang interesado ang isang Esteban ay tiyak na hindi na nila titigilan.
-
Sonata
Tumingin ako sa bahay namin at ngayon ay masasabi ko na isa na itong malungkot na lugar na dati ay masaya. Napatingin ako sa duyan ko noon at naalala ko kung paano pa ako idinuduyan ni Mama noon. Puno ng tawa at saya ang paligid. Hindi matawaran ang saya ko habang tinutulak niya ang duyan ko para umugoy. Habang si Papa naman ay busy sa paglilinis ng kanyang mga armas pero nakikitawa sa amin.
Ngunit lahat ng iyon ay nabura na.. Napalitan na ng lungkot at dilim ang bahay na ito. Huminga ako ng malalim bago naglakad na para tumungo sa loob.
Pagpasok ko ay agad na nakita ko ang mga myembro ng assassin. Nginisihan ako ni Arya na kaedaran ko lang at magaling nang pumatay. Hindi ko na siya pinansin habang katabi niya si Seth, Steve, Safro, Indigo, at Nic.
Hindi iyon ang tunay nilang name dahil maging kami ni Abe ay hindi. Kinuha lahat ang first letter namin sa word na assassin. Hindi talaga Soul Kingston ang name ko kundi Sonata Winston. Habang si Abe ay Kaito Takayama naman. Kailangan namin ng second name for disguise. Dahil oras na malaman ng kaaway ang tunay naming pangalan ay malalaman nila kung anong antas kami sa lipunan.
Lumapit ako kay Papa na nakaupo sa sofa habang pinupunasan niya ang hawak niyang samurai. Yumuko ako rito pagkalapit ko pero agad na napasubsob ako sa sahig ng ihampas niya sa akin ang samurai. May takip pa iyon kaya hindi ako nahiwa. Napahawak ako sa mukha ko at nalasahan ko ang dugo ko sa bibig sa lakas ng paghampas niya.
"I gave you a chance but you failed again! You are the stupid member of this organization!"
Bumangon ako kahit nahihilo ako sa lakas ng paghampas niya sa akin. Naupo ako at agad na yumuko ako ng paulit-ulit rito.
"Patawad, Papa. Bigyan niyo pa ako ng isa pang pagkakataon. Hindi na po mauulit."
Napaangat ako ng mukha ng sabunutan ako nito. Mariin niyang hinawakan ang mukha ko.
"Hindi na.. Dahil kailangan mo ata ng matinding parusa para maalog ang utak mo para intindihin ang mga tinuturo sa 'yo... Nic!"
"Yes, Boss?"
"Isang daang latay."
Tumingin ako kay Papa at hindi ko mapigilan na pumatak ang luha ko pero hindi ako humagulgol kahit mahinang iyak man lang.
"Ilang bugbog pa ba ang nais niyo sa akin bago niyo ako pansinin at ibalik ang pagmamahal niyo sa akin, Papa? Wala naman akong kasalanan sa pagkamatay ni Mama--ack!"
Napaubo ako ng malakas niyang sikmuraan ako. Hinawakan ako nila Arya at Nic pero hindi ako makapumiglas ng manghina ako.
"Don't mention your Mother's name here! This is the rules of our organization, Soul. You need to be punished for telling you that my fatherhood doesn't matter to you."
"But I don't want to be like you! I want to be a normal person! Don't forced me to kill your enemy!"
Napabaling ang mukha ko ng sampalin niya ako. Napapikit ako habang umaagos ang luha ko.
"Dalhin niyo na siya sa bodega. 'Wag kayong titigil hanggang hindi umaabot ng isang daang latay."
Hinatak na ako nila Arya at wala na rin akong palag dahil wala akong ibang maisip kundi ang mamatay na.
"Hard headed girl." sabi ni Nic.
"'Yan kasi. Hindi ka ba nagsasawa sa latigo namin?" ani ni Arya na humalakhak.
Kinadena nila sa taas ang mga kamay ko at napapikit ako habang lihim na dumadaing ng umpisahan na nilang latiguhin ang likod ko.
Sadista sila Arya kaya balewala sa kanila kung makita man nilang punong-puno na ako ng dugo. Hindi ko na mabilang ang hampas nila at natulala na lang ako habang nanlalabo na ang mga mata.
"Tama na!"
Ito ang buhay ko na dinanas ko mula ng mag-trese anyos ako. Bata palang ay bugbog na ang katawan ko sa latay. Ako ang palaging napaparusahan dahil ako lang naman ang mahina sa grupo at pumapalpak.
"Abe, 'wag kang makialam rito. Hindi porket leader ka namin ay maaari mo kaming utusan na huminto."
"Paano kung sabihin ko sa inyo na maaari ko rin kayong parusahan bilang leader niyo? Kasama sa rules ang labagin ang inuutos ng leader niyo, natatandaan niyo?"
Huminto sila Arya, "Kaya hindi natututo si Soul dahil sa kagagawan mo, Abe. Makakarating ito kay Boss."
Bumagsak ang ulo ko at habol ko ang hininga ko habang dama ko ang hapdi ng sugat ko.
"Soul, gising!"
Napatingin ako kay Abe na hinawakan ako sa mukha. Nanlalabo ang mga mata ko na tinignan si Abe. Inalis niya ang pagkakakadena ng mga kamay ko kaya muntik na akong bumagsak kung hindi niya lang ako nasalo.
"Tara, gagamutin ko ang mga sugat mo."
Umiling ako at hinawi ko siya. Muntik pa akong matumba pero agad akong nakabawi.
"'W-'wag.. G-gusto kong mapag-isa, Abe."
Naglakad ako kahit pagewang-gewang ako. Napahawak ako sa braso ko at parang manhid na manhid ang katawan ko.
Nakatingin silang lahat sa akin pero wala silang awa kundi mga napapailing lang habang busy sa pinaglilibang nila. Hindi ko na sila pinansin at lumabas ako ng bahay.
Nang sa wakas makalapit ako sa motor ko ay kinuha ko ang helmet ko. Napangiwi ako ng maitaas ko ang mga kamay ko para isuot ang helmet. Pero nagdahan-dahan ako hanggang maisuot ko.
"Soul, dumito ka na, tsaka mo na lang ipagpatuloy ang misyon mo kapag magaling ka na."
Umiling ako at kinaya kong sumakay ng motor at binuhay ito.
"'Wag mo na akong pakialaman, Abe. Pareho tayong lahat ng misyon at iyon ang mapatay si James Esteban. Magawa ko lang iyon kahit na mamatay na ako ay gagawin ko."
Sinara ko na ang salamin ng helmet ko at pinaandar ang motor. Hirap na hirap ako sa pagmamaneho dahil hilong-hilo ako at nanghihina dahil sa mga sugat ko pero pinilit ko.
Nang makarating sa parking ng sikat na condo ay bumaba ako at nanghihina na inalis ang helmet.
Tumingin ako sa daan at nagdadalawa na ang tingin ko habang pinagpapawisan na rin ako. Naglakad ako at lumalalim na ang paghinga ko sa panghihina ko.
Napahawak ako sa pader ng makasakay ng elevator. Napahawak ako sa braso ko habang napapangiwi sa sakit. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo ng makarating sa floor ng condo ko.
Lumabas ako ng elevator at palabo na palabo na ang paningin ko. Nang makarating ako sa condo ko ay agad na pumasok ako. Pero hindi ko na kinaya kaya bumagsak ako sa sahig at habol ang hininga ko bago ako tuluyan na mawalan ng ulirat.
-
Hammer
Pumikit ako ng buhusan ni Theo ng alak ang sugat ko. Huminga ako ng malalim at dumilat.
"Boss, tiyak na mga assassin ang tumatarget sa inyo ni Lord. Dahil gawain ng mga assassin ang tumitira ng patalikod." sabi ni Frank.
Nang malagyan ng gasa ang sugat ko ay sinuot ko na ang t-shirt ko. Tumayo ako at nagsalin ng alak sa baso bago ako lumapit sa glass wall kung saan kita ang mga building mula rito.
"I think their main target is Lolo. Unfortunately I'm always near to my Lolo, kaya ako ang napupuruhan.. Pero mabuti na iyon dahil alam ko na mas manggagalaiti sila ngayon dahil hindi nila mapatay-patay si Lolo. At alam ko na hindi mangyayari iyon.."
Sumimsim ako ng alak at pumamulsa sa suot kong short.
"May idea na ba kayo kung sino ang tumatarget kay Lord?" tanong ni Theo.
Hindi ako sumagot sa tanong niya, "Leave me.." utos ko.
"Sige, Boss."
Nagmadaling umalis ang dalawa kaya naiwan na lang ako. Binuksan ko ang pinto ng veranda at lumabas ako. Sumandal ako sa pader at binaba ko sa gilid ko ang baso. Nilabas ko ang cigarette at sinindihan bago isubo. Humithit ako at binuga bago napatingin sa kabilang veranda.
Hindi pa siya bumabalik...
Nanatili ako doon pero lumipas na ang ilang oras pero wala pa rin akong naririnig na sign na may tao na sa kabila.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. Pero natigilan bago napailing dahil naalala ko na wala akong number nito. Naisip ko ang hospital kaya tumawag ako kay Nurse Head Coleen. Ilang ring lang ay sinagot na niya.
(Yes, Director?)
"Ano ang number ni Soul? Give me her number now." utos ko.
Natahimik siya sandali sa kabilang linya kaya akala ko naputol ang tawag.
(Okay, Director, wait a minute...)
Tinapon ko sa sahig ang sigarilyo at inapakan para mamatay.
(Director, I'm sorry pero hindi po siya nag-iwan ng number sa record.)
"Bullshit! It's your work to file the nurse employee's record but now you are saying that you didn't know her number?"
(I'm sorry it's my fault, Director. Akala ko ay ayos lang dahil pinasok siya ni Doctor Sato.)
"Stupid b***h! Who's your boss? Which hospital are you belong? 'Di ba sa Esteban? Hindi sakop ng posisyon ni Sato ang hindi mo pagganap sa tungkulin mo! Damn it!"
(I'm sorry, Sir, please--)
Hindi ko na 'to pinatapos at malakas na binalibag ko ang cellphone ko. Napahilot ako sa noo ko dahil ang ayoko sa lahat ang hindi nasusunod ang gusto ko.
Umalis ako ng veranda at pumasok. Kinuha ko ang jacket ko sa sofa at lumabas ako habang sinusuot ang jacket. Paglabas ko ay naglakad na ako pero napahinto ako ng matapat sa harap ng unit ni Soul.
Wala pa rin siya..
Nagpatuloy na ako at bumaba gamit ng elevator. Lumapit ako sa front desk habang nakapamulsa.
Yumuko sa akin ang tao sa front desk.
"If you saw the girl in room 412, just call me asap, understand?" utos ko sa babae.
Tumango ito at ngumiti, "Yes, Sir."
Sinenyasan ko ang manager ng condo habang lumalakad ako patungong entrance.
"Yes, Sir?"
"Fire that front desk clerk after her work." sabi ko na kinahinto nito pero hindi ko na pinansin at dumaan ako sa entrance.
Tumayo ako sa harap mismo ng daanan ng tao papasok habang nakapamulsa ako. Tumingin ako sa wrist watch ko at alas sais pasado na.
Naglakad-lakad ako pabalik-balik habang tinitignan kung parating na siya. I don't know but I feel something bad happen. But f**k! Why I am feeling worried? Tsk. I don't know but I want to talk to her.
"Excuse me.." sabi ng lalake.
"Such a eyesore." hinawi ko ito.
"Aba! Tangina mo pala!"
Tumingin ako rito ng lumapit ito, "What?"
"Bakit ka nanunulak? At hindi mo ba nakikita nakaharang ka sa daan?" galit nitong tanong.
Sinenyasan ko ito na pataboy na kinagigil lalo ng mukha nito.
"Gag* ka pala!" ambang mananapak ito ay agad na pinigilan ito ng mga gwardya.
"Paalisin niyo rito 'yan at ayokong makita muli ang gunggong na 'yan." utos ko.
"Masusunod, Sir." sabi ng mga gwardya.
Hindi ko na pinansin ang mga ito pati ang nagwawalang lalake.
"Tsk. She's getting into my nerve."
Sumandal ako sa pinto ng entrance at humalukipkip. I'll give her two more hour and if she's not here by that time she's dead.
Pumikit ako at napahinga ng malalim. Nang sabihin niya na wala silang relasyon ni Sato ay iyon na ang sign na nagpapahiwatig siya sa akin. Sa lahat ng girls na nakasalamuha ko ay iba siya.
Napangisi ako dahil wala naman pala sila ni Sato. Kung hindi ko pa tinanong ay baka ipaimbestiga ko pa kung meron silang relasyon. Mabuti't hindi na madadaan sa gano'n.
Dumilat ako at tumingin sa paligid. Wala pa rin siya. Pati ang motor niya. Tumingin ako sa wrist watch ko at lagpas na sa dalawang oras ang binigay kong oras sa kanya.
Tsk. Where is she?
"Excuse me, Sir, about the girl in room 412."
Agad na napalingon ako rito, "What about her?"
"Nakita po namin sa cctv na kanina pa ho siya alas kwarto ng hapon nakauwi."
"What?!"
Napaisip ako at tumingin sa parking lot sa harap ng condominium pero wala naman ang motor niya. Kaya agad na akong umalis sa entrance at mabilis na naglakad pabalik sa unit.
Pagdating sa harap ng pinto niya ay nag-doorbell ako. Nang hindi pa rin niya binubuksan ay maraming beses kong pinindot ang doorbell kaya sinipa ko ang pinto niya sa inis.
"Open this door, Woman!" sigaw ko.
Nagpalakad-lakad ako sa harap ng pinto niya sa inip dahil hindi pa rin niya binubuksan.
"Sir, may problema po?" tumingin ako sa lalakeng bellboy.
"Call your manager now!" sinenyasan ko ito na umalis kaya agad na nagmadali itong umalis.
Nag-doorbell muli ako pero hindi pa rin niya binubuksan. f**k. What the hell she's doing?
Ilang saglit lang ay dumating na ang manager.
"Bakit po, Sir?"
"Open this door now!" utos ko.
Agad na tumango ito at kinuha ang mga susi na dala niya. Nang mahanap niya ang susi sa unit ni Soul ay binuksan na agad niya ang pinto. Nang tuluyang mabuksan ay agad na tinulak ko ang pinto at pumasok ako. Pero napahinto ako at napatingin kay Soul na nakahalundusay sa sahig.
"Soul!" agad na lumapit ako rito at lumuhod. Tinignan ko siya at napatingin ako sa kamay niya na may tumutulong dugo. Hinawakan ko ang leeg niya at pinakiramdam ko ang hininga niya at nang makitang may hininga pa siya ay agad ko siyang pinangko.
"Oh my god!" bulalas ng mga empleyado.
"Bring here the medicine kit now!" utos ko.
"Yes, Sir."
Mabilis na tinungo ko ang kwarto niya rito at nang makapasok ako ay sobrang dilim.
"Open the lights." utos ko sa bellboy.
"Yes, Sir."
Nang mabuhay ang ilaw ay tumambad ang simpleng higaan at walang ibang gamit. Agad na hiniga ko siya sa kama niya at hinaplos ang mukha niya.
Napatiim-bagang ako dahil bakat ang isang kamay sa mukha niya o ano mang bagay na hinampas rito. Tumingin ako sa katawan niya at agad na hinubad ko ang suot niyang jacket. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Puno ng latay ang katawan niya habang sira ang nurse uniform niya.
"Tila siya nilatigo." sabi ng bellboy.
"Leave." utos ko.
"Okay, Sir."
Nang umalis na ito ay tumingin ako kay Soul habang iniisip kung paano niya sinapit ito. Sino ang may kagagawan nito? Bakit siya puro latay?
"Sir, heto na po ang medicine kit."
Nawala ako sa iniisip at napatingin sa manager. Tumayo ako at kinuha rito ang medicine kit.
"Leave. At gusto ko na walang ibang makaalam nito, maliwanag?"
Tumango ito bago yumuko, "Yes, Sir."
Nang umalis na ito ay agad na hinarap ko si Soul. Dinapa ko siya at tuluyan kong sinira ang suot niyang pantaas. Inalis ko ang hook ng bra niya at tsaka ko na nilapatan ng panlinis ng sugat ang mga sugat niya.
Nang maalis ang dugo ay nilagyan ko ng anti-bacteria ang sugat niya bago ko isa-isa na nilagyan ng gasa at bulak bago tinape. Hindi ko mabilang kung ilang latay ang tumama sa likod niya pero mukhang marami.
Kaya kinapa ko ang bulsa ko para tumawag pero napaasik ako ng maalala na binalibag ko nga pala ang cellphone ko.
Kaya kinapa ko ang bulsa ng suot niyang jacket at nakapa ko ang cellphone niya kaya kinuha ko.
Nang bubuksan ko na sana ay biglang namatay ang cellphone nito.
"Tsk. Useless!" hinagis ko ang cellphone nito at tumayo ako bago lumapit sa landline phone. Dinial ko ang number ni Theo.
(Yes? Sino ito?)
"I want you to go here. And buy me new phone."
(Alright, Boss.)
Binaba ko na ang tawag at naupo muli sa kama. Tumingin ako sa sugat niya at hinaplos. Nagtagis ang bagang ko dahil titiyakin kong mamamatay ang may gawa nito.
Tumingin ako sa mukha niya at hinawi ko ang buhok nito. Umusog ako at nilapit ko ang mukha ko rito.
"Kung sino man ang may kagagawan nito, mananagot sila..." bulong ko at hinalikan ang pisngi nitong may pasa.
© MinieMendz