CHAPTER 12

1199 Words
Manang kayo na muna ang bahala dito sa bahay ha, dalawang buwan lang kaming mawawala. Alice pasuyo ha kayo muna bahala dito sa bahay at dito sa kapatid kong ito sabay tingin kay Gregory. Alagaan mo itong kapatid ko sabay kindat ng amo sa kanya. Since ayaw mo naman sumama sa U.S at pansamantalang wala ang cute mong alaga, kapatid ko muna alaga mo, cute din yan at makulit parang si Malia kaya for sure hindi mo mamimiss ang alaga mo, sabay ngiti ng butihing amo sa kanya. Naku ate hindi ba masyadong matanda na si sir Gregory para alagaan? Naku Alice para sa akin baby brother ko parin yan, pero pwede mo rin maging baby, i mean pansamantalang alaga habang wala kami ni Malia. Oh sya ang dami ko ng sinasabi baka malate na kami sa flight. Sumama ka na paghatid Alice para naman hindi mag isa at ng may kakwentuhan itong si Gregory pag uwi mamaya. Bye yaya, see you in two months! Bye Tito Greggy! Sabay halik sa pisngi nilang dalawa. Bye baby call yaya when you get there,okay? Okay yaya. Tito please take care of yaya Alice for me please! O-okay baby i will. Let's go na baby, Gregg ikaw na bahala sa business natin at kay Alice bantayan mo sya, i mean kay Alice, Kay manang lorna Kay manong Robert alam mo na they're families. No worries ate. Ingat kayo. Hindi sila umalis ng airport hanggat hindi nakalipad ang eroplanong sinasakyan ng mag-ina. Halika na Alice tanghali na,maglunch na muna tayo bago umuwi,nagugutom na ako. Tumango lang si Alice. Dumaan sila sa isang Japanese restaurant para mananghalian. Tipid ang pagkain ni Alice na halatang umiiwas ng tingin sa lalaking kaharap. "Anu ba yan kahit gustong gusto kong kumain dahil nagugutom na ako hindi ko magawang lantakan ang mga pagkain na to,parang matutunaw ako sa mga tingin ng mokong nato" isip isip ni Alice habang kumakain. Busog ka na ba sa pagtitig mo sa akin? Hindi ako pagkain. Nabigla na lang sya sa narinig,hindi nya napansin ang sarili na nakatitig pala sya sa binata habang kung ano ano ang naiisip. Eh-e kasi may dumi ka sa mukha,oo tama may dumi ka sa mukha kaya napatingin ako. Nakakadistract yung dumi mo sa mukha. Hindi binili ng binata ang sinabi nya at ngumiti lang ito. After natin maglunch okay lang ba na dumaan tayo ng mall,may bibilhin lang ako. Matapos mabili ang kailangan bilhin,pauwi na sana sila ng biglang tumigil si Alice sa tapat ng Arcade. Napansin ni Gregory ang pinaghalong lungkot at saya sa mata ng dalaga habang nakatingin sa mga naglalaro dito. Gusto mong mag arcade? tanong ng binata kay Alice. Tatanggi pa lang sana sya ng hawakan sya nito sa kamay at hinila papasok sa arcade room, bumili sila ng tokens para makapaglaro. Sandali lang Alice dito ka lang,ihahatid ko lang itong mga pinamili ko sa kotse babalik din ako agad. Pagbalik ni Gregory ay inabutan nya si Alice na nakatitig sa isang claw machine na may lamang pagong na stuffed toy.Naluluha ito pero nakangiti na nakatitig sa stuffed toy sa loob ng machine. "tay gusto ko po yang laruang pagong sa loob ng claw machine,gaya ng paborito kong ninja turtle, "sige anak kukuhanin natin yan" matapos ang ilang subok ay nakuha nga ng tatay nya ang laruan" yeeeey ang galing mo tay,salamat po? Gustong gusto ko talaga ito tay. Pero pag labas nila ng mall ay may nakita silang bata na mas bata pa na namamalimos.Palimos po kahit konting pagkain lng po nagugutom na po kasi ang nanay kong may sakit.Sa awa nila ay ibinahagi nila sa bata ang dala nilang pagkain.Pero hindi parin umaalis ang bata na nakatingin sa hawak nyang laruan. Niyakap nya ito ng mahigpit pero pagkatapos nun, "gusto mo ba ito bata?" tumango lang ang bata " Sige sayo na lang ito basta iingatan mo ha. Talaga? maaraming salamat mabilis na kinuha ng bata ang laruan, tuwang tuwa ito. Uuwi na po ako para dalhin sa nanay ko itong pagkain maraming salamat po.Tuwang tuwa ang bata na tumakbo na paalis. "Akala ko gusto mo yung laruan na yun anak?" Opo tay, pero nakakaawa naman po sya, may sakit pa po yung nanay nya,hindi po sila makakapaglaro ng arcade para makuha yung laruan,di bale po itay magaling ka naman po dun sa claw machine makakakuha ka ulit nun nextime. "Ang bait talaga ng anak ko, sige anak basta may extrang pera si tatay babalik tayo dito at mananalo ulit tayo ng stuffed toy na pagong" Nasa ganoong isipin si Alice ng sa wakas ay mapansin na nya ang presensya ni Gregory. Andyan kana pala sir. Kanina pa,pero mukhang busy ka sa pagtulala. Hindi mo makukuha yan sa tingin, alis ka dyan,manood ka ah,pagyayabang nito. Unang subok hindi nakuha,pangalawa,pangatlo... Pangsampu... pangdalawangpu.... haissttt nakukuha ba talaga to? medyo naiinis ng turan ng binata. Pigil ang tawang pinagmamasdan ni Alice ang lalake na parang batang naiinis sa claw machine. Oo naman nakukuha yan natatawa pa ring sagot nya. Ikaw na pagong ka pag hindi ka pa nagpakuha sakin bibilhin ko na talaga itong buong claw machine,makikita mo! Napahalakhak ng tawa si Alice tawang tawa sa inaakto ng binata. Naiinis parin iyong tumingin sa kanya. Bakit ka tumatawa?? Ayyy sorry para ka kasing bata na inagawan ng kendi dyan. Lipat na lang tayo sa iba kung ayaw nya makuha. Hindi! protesta ng binata makukuha ko to pag hindi ko to nakuha bibilhin ko talaga tong claw machine na to. "Narinig mo yun claw machine,bibilhin kita pag di mo pa binigay yang pagong na yan,parang baliw na kinakausap nito yung claw machine" Muli syang naghulog ng token at sa wakas kumapit na ng claw sa laruang pagong. Bakas ang tuwa sa mata ni Gregory. Ayan na!ayan na ! makukuha ko na,wag kang bibitaw pagong,sa oras na bumitaw ka bibilhin ko talaga tong claw machine,pagbabanta pa nito na mas lalong kinaaliwan ni Alice. Yessss! malakas na sigaw ni Gregory, na naging dahilan para pag tinginan sila ng mga tao doon. Nakuha ko,nakuha ko Alice nakuha ko,natakot sakin yung claw machine, tuwang tuwa ito na itinaas pa ang stuffed toy na pagong. Naku..ha ko....napatigil sya ng mapansin na nakatingin sa kanila ang lahat. Biglang sumeryoso ang mukha nito at inabot nalang bigla kay Alice ang pagong. Oh sayo na,naiinis na naman ito dahil sa pagkapahiya. Pero di parin mapigilan ni Alice ang matawa. "Ang cute pala nito pag naiinis sabi na lang nya sa kanyang isip" Ayaw mo ba nangangawit na ako,pagsusungit nito. Ibibigay mo talaga sakin yan?diba pinaghirapan mo yan makuha? Ayaw mo ba? Syempre gusto sabay hablot sa stuffed toy. Wala ng bawian ha. Sya naman ang tuwang tuwa na parang batang nagniningning ang mga mata habang niyayakap ang stuffed toy na binigay ni Gregory. Nangingiting pinagmasdan ni Gregory ang dalaga. "Napaka aliwalas ng kanyang mukha, she's genuine bilong nya sa sarili. Nagpalipat lipat pa sila sa ibat ibang laro doon, para silang mga batang nag eenjoy sa mga pangbatang rides at di na namalayan na lumipas na pala ang oras. Gabi na pala Sir Gregory masyado tayong nalibang sa arcade uwi na tayo baka nag aalala na sila manang, tatawagan ko na muna sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD