Chapter 28

2334 Words

"Badong at Shanang!" muling singhal ni Kuya, sakto nang matapos si Brandon at pinakawalan ako. Doon lang din namin nilingon si Kuya, nakatayo na ito at hawak na nina Travis at Trevor. Ilang sapak na rin yata ang natanggap ng kambal dahil sa pagpipigil nila kay Kuya. Nagulat ako, tila ba ngayon lang talaga natauhan. Mabilis na tumayo si Brandon. Hindi pa man din ako nakaka-get over sa kaninang nangyari ay halos mahulas ang emosyon sa mukha ko nang bigla-biglang hinatak ni Brandon ang braso ko. Hindi pa man ako nakahihinga nang maayos ay nahila na niya ako sa pagkakaupo ko at ngayon ay sabay kaming tumatakbo. Nakawala na rin si Kuya sa pagkakahawak ng kambal kaya kahit nalilito pa at nawawala sa huwisyo ay sinasabayan ko ang malalaking hakbang ni Brandon para lang hindi niya ako makaladka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD