Napangiti ako, kasabay nang pagnguso ko. Umikot din ako ng higa habang hawak-hawak sa isang kamay ang cellphone ko at nakatutok sa kabilang tainga ko. Akap-akap ko rin ang kulay puting unan ko na animo'y nanggigigil. "So, bukas? Before seven siguro nasa labas na ako ng bahay niyo," ani Brandon sa kabilang linya dahilan para manlaki ang mata ko. "Ang aga naman?" palatak ko. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Mabilis akong nahawa kaya sabay na kami ngayong tumatawa. Ewan din kung anong oras na. Simula nang makapasok ako sa bahay ay hindi na yata natapos ang pag-uusap namin ni Brandon sa telepono. May mga time na wala na kaming mai-topic pero hindi iyon hadlang para putulin ang linya. Kung anu-ano na nga ang pinagkukwento ni Brandon. Nabilang ko na rin kung ilan ang naging babae niya.

