Huh? Nalusaw ang emosyon sa mukha ko. Ganoon pa man ay nauna nang magtatatalon sa tuwa ang puso ko. Malakas iyong kumakabog na para bang gusto nang kumawala sa dibdib ko at mauna nang salubungin si Brandon. But wait, anong ginagawa ni Brandon dito? Sinalubong ko ang paninitig ni Kuya ngunit madali rin naman niyang inalis ang tingin sa akin dahil sa pagdating ng isang presensya. Hudyat iyon para lingunin ko ang kapapasok lang na si Brandon sa kusina. Una kong napansin ang medyo may kahabaan niyang buhok. Nakatali kasi iyon sa bandang tuktok ng kaniyang ulo. Pino at hindi magulo kaya maganda pa ring tingnan. Dahil doon ay lumilitaw ang kabuuan ng mukha ni Brandon. Kitang-kita ko pa ang tainga niya kung saan ay kumikinang sa paningin ko ang nag-iisang hikaw mula sa kanang tainga nito. Sun

