Chapter 59

2361 Words

"Shan," si Brandon kung saan pa ay walang sabi-sabing nilapitan ako. Nagulat ako. Maging si Ate Venice na siyang nasa harapan ko lang kanina ay napaatras dahil sa paglapit ni Brandon. Wala na ring pagdadalawang-isip nang bumagsak ang mga tuhod niya sa sahig. Ngayon ay nakaluhod na ito. Sa gulat ko ay napalayo ako, pero maagap namang nahawakan ni Brandon ang dalawang kamay ko dahilan para matigilan ako. Pati ang paghinga ko ay saglit na nahinto. Ramdam ko ang pagtahip sa dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata ko, kasunod nang pag-awang ng bibig ko. Maang na nagbaba ako ng tingin kay Brandon at hindi makapaniwalang pinanood siya. "B—Brandon," nanginginig kong sambit, pareho na kami ngayong umiiyak. "Shantal, please..." Nakatingala ito sa akin kung kaya ay kitang-kita ko ang pamumula ng pare

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD