Third person pov Tinawagan ni Keziah ang kanyang ina na ilayo muna si Kenjie para hindi makita ng ama nito. Umayon naman ang panahon dahil papuntang Maynila ang mama Julie ni Justine dahil may lagnat ang panganay nitong anak na si Janvier. Umuwi rin ang Lolo ni Justine na si Don Joaquin at gustong maka-bonding ang sextuplets. “Tatawagan din sana kita Keziah hija para kausapin ka na isasama ko si Kenjie sa Maynila. Kawawa naman kapag mag-isa lang siya dito. Isasama ko na rin ang nanay mo para may magbabantay kay Kenjie. Maganda na rin na maging panatag ang loob mo,”saad ni Julie. Si Keziah sa kabilang linya ay halos maglupasay na sa tuwa. “Sige ho tita kayo na ho ang bahala, salamat ho,”si Keziah. “Sinong kausap mo?”tanong ni Raven. “Anak ng kabayong supot naman oh, bakit ka ba paran

