Keziah pov Nagkaroon kaagad kami ng mga kaibigan lalo na at malapit lang ang coffee shop nila sa apartment namin ni Jay. Napag-alaman namin na coffee shop pala ni ate Clea dati at ipinamana lang sa kanila iyon. At mga doctor din sila na suma-sideline sa trabaho para may pambili ng luho. Dito din napadpad si ate Sanjela sa lugar na ito. Baga parang kanlungan ng mga ligaw na katawan ang bansang ito. Natawa nalang ako sa aking naisip. Palagi kaming nasa coffee shop ni ate Nur dahil marami kasing mga Filipino na naroon. Nakakatuwa silang kausap para lang din na nasa Pilipinas kami. May napansin akong isang babae na chef, sobrang tahimik lang niya pero may kahawig siya. Yung mata, ilong at korte ng lips niya kapag naka-side view. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o sadyang ganito

