(9) Relief

718 Words
US2:TWLM Chapter 09 [LEEYAH POV] Kinagabihan, nandito ang Ate Isabella niya sa bahay at sumabay sa kanila maghapunan. Kahapon lang bumukod ang Ate at asawa nito sa bagong bahay nila. May malaking project na tinatrabaho ang Kuya Zack niya sa Davao kaya ditto muna ang ate niya mananatili. Akala niya may magbabago pagkatapos nitong umalis sa kanila pero, wala naman pala. Ganoon pa rin ang environment nila sa bahay. “Lee, kumusta ang interview?” tanong ng ate niya. “Okay naman, ate. Halos lahat ng prinaktisan natin question tinanong sa akin.” “Sabi ko sa iyo, eh. So, hindi ka kinakabahan sa buong duration ng interview?” “Siyempre kinakabahan. Akala ko kasi iyong sinabo mo na nandoon din ang CEO sa magi-intetview, wala naman pala. Two times din kami in-interview kanina. Sana makapasa ako pati na mga nakilala ko doon.” “Nakilala?” “Mga fresh grads din sila na makakuha ng slot.” “Wow. May friends ka na agad? Sana nga lahat kayo makakapasok. Once nandoon ka na Lee, do your best, ah? Huwag kang mage-expect na magiging magaan ang trabaho mo. Minsan kasi pag baguhan pa, maraming ipapagawa sa iyo. Parang training na rin iyon.” “Alam ko na iyan, ate. So, no need to worry. Ang concern ko lang kung papasa ba ako o hindi.” “Bakit naman inaalala mo iyan na sure na sure naman na makakapasa ka.” Paniniguro ng ate niya. “Isabella, normal lang na hindi mage-expect si Leeyah ka kompanya na iyan.” Sabi ng mama nila. “Kung hindi man siya makakapasok doon, meron naman iba pang mapapasukan. Meron akong kaibigan na nangangailangan ng assistant. Pwedeng-pwede si Leeyah doon.” “Mama naman, huwag niyo naman pong dini-discourage si Leeyah. Okay naman po siya pag nasa Guerrero-Valencia magtatrabaho.” “Hindi ko siya dini-discourage. Baka lang naman.” “Mama, nagusap na tayo tungkol diyan.” “Bakit ba may issue ang paga-apply ko sa company na iyan eh kayo naman po ang nag-suggest sa akin?” “Duh! Wala no. Basta, ah? Ipag-pray natin na makukuha ka pati ang mga friends mo sa company. Check mo rin ang e-mail mo from time to time baka bukas o sa susunod na mga araw may result na sila.” Sabay inom ng tubig. “Opo. Ate, may tanong ako. Bakla ba ang boss mo?” Muntikan na siyang mabugahan sa iniinom nito. “A-anong sinabi mo?!” “Bakla ba ang boss mo?” tanong niya ulit. “Sandali, papaano nasabi iyan? Saan mo nakuha iyan?” “May lumapit kasi sa akin na lalaki na mas maganda pa sa babae na kinukumusta ako pero, hindi ko naman siya kilala. Then, tinawag siya ng bos mo at iyon. So… totoo ba?” Napabuntong hininga ito. “That’s Luccas Guerrero or mostly known as Luciana. Designer siya sa abroad, shareholder siya sa company, and no wala silang romantic relationship dahil first cousin ang dalawa.” “Oh…” magpipinsan pala ang dalawa! “Ikaw,ah. Please lang, huwag kang sasali sa mga tsismis o gagawa ng issue sa loob lalo na sa CEO.” “Nagtatanong lang naman, eh.” “What if totoo?” habol naman ng mama nila. “Ma! Huwag nga kayong ganyan.” Saway naman ng ate niya. “Isa iyan sa major offense sa magi-ingat ka sa mga ganyan, Leeyah. Okay ba?” “Opo, Ate.” “If he’s like that, bakit naman hindi?” sabi na naman ng mama nila. “Ma, usap tayo mamaya.” Magpinsan lang pala ang dalawa. Na-curious lang naman siya kasi hindi niya dini-deny na naga-gwapuhan siya sa binata. Pero, ang kakaiba lang, bakit may relief siyang nararamdaman na hoax lang pala ang lahat? Hm… wala lang siguro ito. Pero ang weird, ah! “Pero Ate, nagtataka ako. Magkakilala ba talaga kaming dalawa ng Luciana na iyon?” “Huh? Hindi, no! Alam mo kasi, ganyan talaga ang ugali niyan. Minsan kasi siya pumupunta sa office at kahit hindi niya kakilala, kakausapin talaga niya. Kalimutan mo na iyan kasi nagkakamali rin naman ang tao.” Sagot nito. “Kung sa bagay.” “Isipin mo na lang anong mga plano mo pag pumasa ka sda interview, okay?” “Okay , ate.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD