Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 56 [Leeyah POV] Lunch time na. Nasa rooftop silang magkakaibigan at habang tinatanaw ang naggagandang tanawin sa taas, kumakain at nagkukwentuhan sila. Well, ang topic ngayong araw ay siya. Hindi pa rin tumigil sa kakatawa ang tatlo sa nangyari sa kanya kagabi. “Hindi ko talaga inasahan na mapo-possessed itong si Leeyah pag nalalasing. Sinong nag-enjoyi kagabi?!” Itinaas nito ang mga kamay. “Me!” “Guys! Tumigil na nga kayo! Hindi niyo ba alam anong kahihiyan ang dinulot sa akin ‘yun?” “Huwag mo naman seryosohin, Lee. Nagkakasiyahan lang naman tayo. Tiyaka, nagcelebrate lang tayo dahil nakapasa tayo sa evaluation kaya nomal lang maglasing.” Sabi ni Nico. “Pero, first time kasi ni Leeyah kaya ganyan ang feeling niya.” Sabi naman

