Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 68 [Leeyah POV] “Kumusta ka na diyan, Lee? Any interesting ganap diyan sa lugar mo?” “Oo at hindi masyado.” “Anong oo at hindi masyado? I-ellaborete mo nga?” Magaala-una na ng umaga dahil hindi siya makatulog ng maayos. Pagkauwi niya galing sa trabaho, kita na niya ang kotse ni Nicholas. Ibig sabihin nauna na itong umuwi kesa sa kanya. Pagpasok niya sa loob, tahimik na parang walang tao. Baka nasa kwarto lang si Nicholas. Oras na ng hapunan pero hindi na siya lumabas ng kanyang kwarto. Kinain na lang niya ang dala niyang honey lemon chicken na binili niya sa tapat ng company building. Buti meron siya nito. Nakaramdam kasi siya ng hiya at pagsisisi sa mga sinabi niya kay Nicholas. Hindi dapat siya naging ganoon at si Mateo lang ang

