Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 15 [Leeyah POV] Papasok pa lang sila sa isang malaking gate, napamangha na siya sa sobrang ganda ng lugar. Sa entrance pa lang may security na at sa pagpasok nila, kitang kita ang sobrang garang mga bahay! Ang ganda namang subdivision ito! Siguro mga yayamanin din ang mga kapitbahay nito. Pagdating nila sa mismong bahay nito, akala niya gaya ito sa iba na sobrang laki ng bahay pero simple lang. Sakto lang at tiyaka para bang kaparehas lang sa bahay niya. Isang palapag, may maliit na garden at may garahe. Well, obvious ba? Magisa lang ito, eh. At ito ang gusto nitong style. Nasa loob na sila sa bahay nito. Nasa likuran lang siya nito mula sa garahe hanggang sa pagpasok nila sa loob ng bahay. Kung simple ang bahay nito, ganoon din s

