Uncensored Series 2: The Wife’s Lost Memories Chapter 12 [Leeyah POV] Since nalaman niya na may gagawing evaluation ang mga baguhan sa kmpanya kasama na siya, inagahan niya ang pagpasok sa trabaho. Pinilit talaga niya ang kanyang Ate Isabella na ihatid siya ng maaga. Aayaw sana ito pero wala na rin naman itong magagawa. Kaya nga gusto niyang makahanap ng matitirhan malapit sa company para hindi na niya gigisingin pa ang kanyang kapatid para ihatid pa sa isang oras na biyahe. Pagkalagay pa lang niya ng bag sa kanyang upuan, dumating naman sila Nico, Jenny at Lily. Tila bang nagmamadali at ‘di mapakali. “Oh? Ba’t ang aga di ninyo pumasok ngayon at bakit hindi kayo mapakali diyan?” “No time, Lee. Mabuti maaga ka din. Kailangan na natin pumunta sa meeting room. Lahat tayo titipunin doon!”

