Wala ng nagawa si Dale kundi sumunod sa gusto ng mga magulang niya na makipagdinner sa family ng tito Romeo niya. Bago sila pumunta sa venue ng dinner ng pamilya nila ay dumaan muna sila sa bahay nila para makapag ayos siya. Ayaw naman niyang maging mukhang kawawa pag nakipagkita sa pamilya ng mga Buenaventura kahit ayaw niyang makaharap ang mga ito. Pagkatapos niya mag ayos ng sarili niya ay nauna na silang tumungo sa family owned hotel nila. May aayusin pa daw kasi doon ang daddy niya. Samantalang sa bahay ng pamilya Buenaventura naman ay handa na rin ang lahat para pumunta sa usapang dinner. Si Angelo lang ang makakasamang anak na lalaki dahil abala naman at di pwede si Rafael. Hinihintay rin nila si Mitch dahil sabi nito ay hahabol daw ito. ''Angelo, call your sister! The time is ru

