DALE'S POV Kanina pa ako nakarating dito sa bahay. Pero parang wala dito ang isip ko. Siya at siya parin ang laman ng isip ko simula pa kaninang naghiwalay kami. Ano bang ginawa niya sakin. Di pa rin siya mawala sa isip ko. Pati ang nakakalasing na mga halik niya. Di ko man lang siya pinigilan at parang nagustuhan ko pa ang walang paalam na paghalik niya! Naguguluhan na ako. Do i like her? Why? Is it normal though? Am i a lesbian? At hinawakan ko nalang ang sintido ko. Maybe pagod lang 'to kaya kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. ''Are you okay baby? Masama ba ang pakiramdam mo?'' Si mommy. Nawala sa isip ko na kaharap ko pala sina mommy at daddy. Naglulunch kami. ''Princess? Kanina kapa namin tinitingnan ng mommy mo. May problema ba anak?" Curious na nakatingin si daddy. '

