Kanina pa sinusubukang tawagan ni Dale ang kanyang mga magulang pero walang sumasagot na kahit isa sa mga ito. Nung tumawag naman siya sa mansyon ay sabi lang ng katulong nila umalis daw bago maglunch at di din alam kung saan ito pumunta. Naghabilin nalang siya na tawagan agad siya kapag dumating ang kanyang mga magulang para di siya mag alala. Nag aalala na siya dahil baka dahil sa kanya kaya di niya mahagilap ang mga ito. Kinagabihan kase ay pinuntahan niya ang kanyang mga magulang para kausapin tungkol sa matagal ng bumabagabag sa kanya. "Dad, Mom nasan ba kayo?" Nasabi nalang ng dalaga bago idial ang number ni Mitch. Lalo lang siyang nag isip ng maring lang ito ng paulit ulit pero di rin masagot ang tawag niya. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone at napabuntong hininga na l

