JADE TALLIA Kinabukasan ay buong umaga kong hindi binuksan ang phone. Kung uuwi man si Zander sa mansyon ay naihanda ko na rin ang sarili para iwasan ito. Sabado ngayon at kailangan kong iayos ang gagamitin para sa party mamayang gabi. Dumating ang hapon and I turned on my phone to message Apollo. Kailangan nitong malaman na wala ako sa condo at para sabihin na nasa mansyon ako ngayon. Halos tatlong oras akong nag-aayos ng sarili para sa party. Ayon sa invitation ay semi-formal ang party, that's why I choose to wear a silk slip mini dress at tinernuhan iyon ng gold necklace. Habang kinakabit iyon ay may kumatok sa aking pintuan. "Come in." Sumilip roon si Jella. "Ate, narito na po si Sir Apollo." "Sige. Baba na ako. Sandali nalang." Tumango ito at sinara ang pinto. I put small am

