“Lavin!" Agad siyang sinaklolohan ni Nikko. Kung paano bumadha sa kanyang anyo ang takot ganun din si Nikko. " Oh god! I'm not going to forgive myself pag may nangyari sa anak natin Nikko." Umiiyak siyang kumapit nang mahigpit sa mga braso ni Nikko na agad naman siyang binuhat. " Nikko ang baby natin." " Lavin, don't be nervous. Mas kinakabahan ako sa iyo." Hindi niya alam kung ano ang nasa loob nito nang mga sandaling iyon. Isa lang ang nakikita niya, matindi itong nag aalala. Hanggang makarating sila sa kubo at agad silang sinalubong ni Terry at Iris. " What happened ate Lav?" " I think she's in labor." Si Nikko ang sumagot, dahil kagat niya ang mga labi dahil sa matinding sakit nang tiyan na nararamdaman. "Oh god!" Nataranta na din si Terry sa narinig. " I will call Kuya Ka

