HINDI KO alam kung magagalit ba ako kay Zachary dahil sa nagawa niyang pagtalikod kay Mirasol. Nasaktan din ako sa ginawa niya dahil pinagkakatiwalaan ko siya. Subalit, hindi ko naman siya masisi dahil mahirap naman talagang tanggapin ang lahat. Magkaiba lang talaga kami ng paraan sa pag-handle ng mga nakagugulantang na katotohanan. Ang naging reaksyon niya at kung ano man ang naramdaman niya nang malaman ang totoo, ganoon din sa akin pero itinago ko. Ayaw ko kasing masaktan si Mirasol at hindi ko kayang ipagtabuyan siya kahit natatakot ako sa kaniya. Tinibayan ko ang aking loob at pinipili ko pa rin sa huli na patuloy na mahalin ang taong itinuring kong kapatid sa buong buhay ko. Samantala, narinig kong umiiyak si Zachary nang sagutin ng kaniyang ina ang tawag na ilang beses niyang dinec

