NAPATIGAGAL AKO sa aking nasaksihan. Tuluyan na niyang nagawa ang kaniyang pinaplano. Nanghina ako sa aking kinatatayuan habang unti-unti namang bumabagsak ang kaniyang amang si Darius. Nagliwanag ang talim ng nasabing patalim sa dibdib ng retilyano, hanggang sa magkadurg-durog ito at tuluyang maglaho sa aming harapan. Katulad ng pulbos na mabilis na humalo sa hangin. Nagtakbuhan man patakas ang kaniyang mga kampon ay hindi rin sila nakatakas sa kanilang katapusan. Namistulang buhangin din sila at isa-isa ring naglaho kasabay ng pag-alingawngaw ng kanilang mga sigaw. Habang nakatitig ako kay Mirasol, naalala ko ang mga katagang binitiwan sa akin nina Kuya Symon at Tatay Andres nang aminin ko sa kanilang nakuha ko ang hinahanap nilang patalim at ibinigay ko iyon sa kaniya. Alam kong gusto

