"AREN'T YOU going to sleep?" Nica asked in a worried tone. Sumulyap ito sa orasan na nakasabit dito sa guest room kung saan ako dinala ni Tyler bago niya ibinalik ang paningin sa akin. "I am not an expert but I know that it's bad for pregnant women to stay at night. You should get some sleep." Nagdudutdot ito sa phone niya habang nakaupo rito sa tabi ko. Nakahiga na kasi ako sa kama ngayon, at kahit sobrang lambot dito at komportable matulog ay parang hindi ako dinadalaw ng antok. "I'll sleep once Cullen got here with my mom," sagot ko naman sa kan'ya. "He promised that he'll take my mom with him." Sinulyapan ko ito para makita kung ano ang magiging reaksyon niya pero ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Busy ito sa pagce-cellphone niya. Hindi ko tuloy alam kung talaga bang m

