"WHAT DO you think you're doing, Cullen?" napipikon kong tanong sa kan'ya nang muli siyang lumapit sa akin habang nakangisi. Hinawakan niya ang magkabilang side ng leeg ko, tila ay kinakapa kung mainit pa 'yon katulad kanina. Maayos na ang pakiramdam ko ngayon dahil sa antidote na ibinigay niya. Mabilisan niya ring inayos ang gamit ko, pati na 'yong iilang gamit na kumalat noong naghalughog ako roon sa may cabinet. Nakasuot siya ng gloves para makaiwas sa fingerprint. Nagtaka tuloy ako dahil doon. Ano ang ginagawa niya rito at bakit parang may misyon din siyang ginagawa katulad ko? And I couldn't believe that after those five years... we'll meet again like this. That was unexpected, though. Akala ko ay sa bar ko siya makikita o kaya naman ay sa mga hidden island, pero siya pa talaga ang

