Chapter 18 Third Person POV Agad na umiwas si Zeirah nang makarinig siya ng ingay sa hallway. Kahit bahagya nakatago sila, hindi pa rin siya komportable at ayaw niyang may makakita sa kanila ni Ken, kagaya din ng gusto nito. Lumayo naman si Ken, agad din siyang umiwas at naglakad palayo at naiwan siyang napasunod ang tingin sa lalaki.Napabuntung-hiningang binaba niya ang tingin at tinuloy ang pagbaba ng pagkahaba-habang hagdanan. Pagdating niya sa clinic, agad naman siyang chineck ng duty nurse. Mataas ang kanyang lagnat kaya pinahiga muna siya sa isang kwarto. Trangkaso lang daw iyon, kaya binigyan siya ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat at mawala ang mananakit ng kanyang lalamunan.Humiga siya at dahil nahihilo din ay mabilis siyang nakatulog. Pagkagising niya, tanghaling tapat n

