Sulli's "Ayon sa mga pulisya, naganap ang pagpatay sa biktima dakong alas-onse ng gabi sa loob ng isang kilalang restaurant at hindi maipagkakamaling ang suspek sa naganap na krimen ay walang iba kung hindi ang notorious criminal na si Kill." Napalingon ako mula sa pagbabasa sa laptop nang mahagip ng pandinig ko ang binabalita ng reporter. Si Kill na naman. That criminal seems to love his or her work. Well, I don't even know the gender but nevertheless, Kill is really good in killing and hiding. "We almost caught her pero mabilis itong nakatakas kahit na nakatamo siya ng tama ng bala mula sa mga kasamahan ko." May bahid ng pagkairita ang boses ng pulis na ini-interview kahit na napaka-professional ng boses at tindig nito. I'm pretty sure at this crucial moment ay magpapatulong na sila

