Chapter 18 "Nagpaalam ka ba sa kanila?" unang sinabi sa akin ni Patrick. "Hindi." sagot ko. "Pasaway ka talaga!" saka siya tumayo pero hinawakan ko ang kamay niya at huminto siya saka humarap sa akin. "Huwag mong pigilan. Kung gusto mo akong halikan, gawin mo." nakatitig lang siya sa akin ng minutong iyon at nakatayo pero hindi niya ito ginawa. Binitawan niya ang kamay ko at naglakad siya palayo sa akin. Kinaumagahan sinundo ako Red. Dinala niya ako sa kanila, akala ko naman ipapakilala niya ako sa mga magulang niya pero kaagad niya akong inakyat sa kwarto niya. Ni hindi ko man lang nagawang makausap ang mga kapatid niya o Nanay niya. Nilock niya ang pintuan at nilagyan ng unan ang gilid ng kama niya at nagsimula na siyang maghubad. Naghubad na rin ako at hinalikan ako sa aking

