Chapter 13 Mabilis na lumipas ang isang linggoa at masasabi ko na naka-adjust na ako sa lugar na ito. Marami na rin akong kilala maliban kay Cecil, Patrick at ilan sa mga Pinsan ko. Kaya noong biyernes ay nagkayayaan ang mga kaibigan ni Cecil na maligo naman kami ng dagat at isama naman raw nila ako, ngayong datating na sabado. Siyempre tinanong muna ako ni Cecil kung payag raw ba ako na sumama. Sabi ko, okay lang naman sa akin at gusto ko na ring makakita ng dagat muli. Nagtatatalon pa sina Sheena, Alexa at Meng nang pumayag na ako. Hanggang sa lumapit sina Red at mga barkada niya na sina Llyod, Rico at Marlon. Pumagitna si Cecil at bahagyang tinulak si Red at sinabi na hindi pwede. Kaso sabi ni Red gusto rin raw niyang makilala ako, at makakatulong naman raw sila dito. Sila na raw m

