Chapter 24 Sa dami-rami ba naman ng magiging doctor sa buong mundo siya pa talaga ang makakaharap ko. Hindi ko alam kung magandang senyales na nagising pa ako o parang hindi rin? Naaalala niyo pa siguro si Manolo? Iyong kapatid ni Mary May, na kaisa-isang kaibigan ko noong highschool? Siya. Siya ang doctor na nasa harapan ko ngayon. Siyempre, kita ko sa mukha niya ang awa. Pero sa ngayon di ko kailangan iyon. Sawa na akong kaawaan ng tao. "Pwede bang magrequest ng ibang doctor, manyak kasi itong isang ito." sabi ko sabay tingin ng masama kay Manolo. "Hindi ka parin nagbabago, Amanda. You're still the reckless Amanda na nakilala ko long years ago." saka siya ngumiti. Ang lako ng pinagbago ng itsura ni Manolo. Well, aside from he's still good looking. Actually, he's kinda hot sa suot

