Kaloka! Para akong tanga. Bakit naman ako malulungkot sa nakita kong picture nila? Oo nga, ano? Wala namang kami. Siguro, nadala lang ako sa emosyon ko, dahil ang buong akala ko hindi talaga siya ngumingiti. "Deanna..." tawag sa kaniya ng binata kaya napalingon siya rito. "Bakit? Maupo ka muna rito sa tabi ko, masarap pagmasdan ang dagat, e," wika niya. Marahan namang umupo ito sa tabi niya. Nagsimula na naman itong mag-take ng pictures. Nang tinapat nito ang camera sa kaniya ay ngumiti siya habang naka-peace sign ang isang kanang kamay niya. "Maganda ba ako riyan?" Tumango ito sa kaniya. "Iharap mo ang camera sa 'tin, dali!" pakli niya. Lumapit siya sa binata at inakbayan niya ito. Kinuhanan iyon ng binata. "O, hindi ba, parang magkapatid lang tayo riyan," nakangiting sabi niy

